^

PSN Opinyon

Pabigat sa OFWs

SAPOL - Jarius Bondoc -
GUSTONG-gusto ng rebeldeng komunista ang mga pulitikong katulad ni Sen. Tito Sotto. Sila kasi ang patotoo sa linyang komunista na walang inaatupag ang nasa puwesto kundi sariling kapakanan, hindi ng masa.

Nabubuska si Sotto sa isang bank document na minamanmanan ang mga malalaking deposito ng ilang politiko at hinihinalaang drug lords, kidnappers at terrorists. Bakit daw pinagsasama sila sa kriminal. At dahil sa ngitngit ng komedyante, este kongresista, sinuway ng Senado ang Financial Action Task Force ng mahigit 30 mauunlad na bansa.

Nais ng FATF na ayusin sana ng Kongreso ang tatlong bahagi ng Anti-Money Laundering Act: Una, ibaba ang threshold ng iimbestigahang bank accounts mula P4 milyon hanggang P500,000. Ibig sabihin, kapag may gumalaw na gan’ung halagang hindi maipaliwanag, mamanmanan na dahil baka galing sa maruming raket. Ikalawa, alisin ang pagkuha ng court order bago imbestigahan ang account. Ikatlo, alisin ang exemption ng mga pulitiko sa imbestigasyon.

‘Yung una lang ang sinunod ng Senado. Hindi inalis ‘yung huling dalawa. Kaya’t nagbabala ang FATF na parusahan ang Pilipinas, na isa na lang sa dalawang nananatiling money-laundering capitals sa mundo. Pahihirapan ang overseas bank transactions ng mga Pilipino. Salamat kay Sotto, sisingilin ng $30-$40 ang bawat pagpapadala ng 7.5 milyong overseas Filipino workers ng pera sa mga pamilya sa Pilipinas, imbis ng $2-3 lang. Pati exporters at importers masasaktan. Tataas ang presyo ng pagkain ini-import at electronics na ine-export nila. Hihina ang kalakal.

Alam naman ni Sotto na may relasyon kung minsan ang pulitiko’t kriminal. Di ba’t isang mayor sa Quezon ang nahuli sa aktong pagdala ng 504 kilo ng shabu? Hindi ba’t nahalal sa local positions sa Mindanao ang ilang pinuno ng Kuratong Baleleng Gang ng kidnappers at bank robbers? Hindi ba’t isang senador ang nasangkot sa imbestigasyon kay suspected drug lord Alfredo Tiongco nu’ng 1997? Oops, sino kaya ‘yon?

Ipapataw ng FATF ang mga parusa simula Mar. 15. May panahon pang magbago si Sotto at kapwa-senador.

ALAM

ALFREDO TIONGCO

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

BAKIT

FINANCIAL ACTION TASK FORCE

KURATONG BALELENG GANG

PILIPINAS

SENADO

SOTTO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with