^

PSN Opinyon

Bitay sa utak ng pyramid – Gringo

- Al G. Pedroche -
MARAMI sa’ting mga Pinoy ang gustong maging instant millionaire imbes na magsumikap upang marating ang pangarap na yumaman. Iyan ang dahilan kung bakit sari-saring racket ang sumusulpot.

Tulad na lang nitong tinatawag na "pyramid scam." Marami na tayong naibalitang nalansi ng ganitong tahasang panloloko. Sa kabila niyan, hindi pa rin nadadala ang maraming Pinoy. Tinataya na sa P70 bilyon ang nakulimbat ng ganitong panloloko sa maraming Pilipinong naghahangad ng easy money.

Tama lang na patawan ng pinakamabigat na parusang kamatayan ang mga utak ng ganitong panloloko. At iyan mismo ang proposal sa Senado ni Senador at "vice presidentiable" Gregorio Honasan na kamakailan ay nanguna sa survey ng SWS. Mantakin n’yo ang dambuhalang halagang nahahakot ng mga hinayupak na pasimuno ng pyramid. Sapat para lutasin ang problemang pangkabuhayan ng bansa. Makakalikha ng trabaho para sa mga kababayan nating dahop.

Kung tutuusin, maituturing na "plunder" iyan na may parusang kamatayan. Kaya ipinapanukala ni Honasan ang trigger amount, para masampahan ng kasong plunder ang dawit sa pyramiding sa P50 milyon.

Maraming mga kompanyang gumagawa ng pyramiding tulad ng Multitel, Tibayan Group, Mateo Management Groups at iba pa na kasalukuyan nang sinisiyasat ng pamahalaan. Yung konting retirement benefit ng mga tao ay sinasamantala. Hinihikayat na mag-invest, yun pala’y maglalahong parang bula ang pinagpagurang salapi!

Sabi nga ni Honasan, matatawag na "con artist" ang mga tiwaling negosyanteng ito. Magaling silang magpaliwanag. Sa husay nilang magsalita, makukumbinsi nila ang isang tao sa kanilang konsepto na paulit-ulit nang pumalpak kung iisipin. Kaya sa mga tulad kong nangangarap yumaman, "Magsumikap at huwag magpapaloko. Kung tayo ba naman eh nagsusumikap edi..etc..etc..etc."

GREGORIO HONASAN

HINIHIKAYAT

HONASAN

IYAN

KAYA

MATEO MANAGEMENT GROUPS

PINOY

TIBAYAN GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with