Puppet nga ba tayo ng Amerika?
February 10, 2003 | 12:00am
TUTA NG KANO! Iyan ang sigaw ng mga militanteng grupo sa ating gobyerno. Bow tayo nang bow kay Uncle Sam. Kahit ayaw ng nakararaming bansa sa United Nations na giyerahin ng US ang Iraq, bow pa rin tayo. Sabi ni President Arroyo, kumbinsido siya sa report ni US Secretary of State Colin Powell na ang Iraq ay nag-iingat ng mga "weapons of mass destruction
A tacit way of saying na dapat isulong ang giyera. Okay sana kung itinuturing tayong tsokaran ng Amerika. Tsokarang "sanggang-dikit". Kahit puppet, okay sana kung binibigyan tayo ng all our support ng Amerika. Pero hindi. Sa mata ng US government, pugad tayo ng terorista. Kapag Pilipino ang nagtutungo sa US, katakut-takot na kapkap at security check ang gagawin bago tayo papasukin. Pati sapatos huhubarin. Kahit Senador hindi palalampasin. Hindi ba Mr. Senate President Frank Drilon?
Bakit ganyan? Kasi may mga intelligence report ang Federal Bureau of Investigation na nagpapakitang transhipment point ng mga terorista ang Pilipinas. Bago maganap ang September 11 attack sa New York, sinasabi na ang mga teroristang gumawa ng naturang krimen ay nanggaling sa Pilipinas. Dito raw pinaplano ang mga terrorist attacks.
The thing is, no less than our own security and military officials confirm this. Siyempre sa ganitong kumpirmasyon ng mismong ating mga opisyal, seryosong paniniwalaan iyan ng US government. Hindi tayo marunong magtago ng sikreto sa ating "big white brother".
Kung nakakalusot ang mga teroristang ito sa bansa, sino ang dapat sisihin? Malinaw na itoy pananagutan ng Bureau of Immigration. Tingin ko hindi simpleng kapabayaan ito. Itoy tanda ng sabwatan ng ilang opisyal at tauhan ng Immigration para makalusot sa bansa ang mga undesirable elements. Sabwatang may kapalit na halaga. At iyan ay lagi nating inuupakan sa kolum na ito dahil pambansang seguridad ang nakataya.
Napapanahon nang balasahin ang BI. Palitan ang mga nanunungkulan ng mga taong may takot sa Diyos at tapat sa tungkulin. Mga taong hindi pasisilaw sa kinang ng salapi upang ibenta ang sarili nilang kaluluwa. Pero una sa lahat, kailangan munang gibain ang sindikato ng demonyo na kumukontrol sa lahat ng appointments sa BI.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended