^

PSN Opinyon

Patuloy pa rin ang hazing

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA kabila ng maraming kaso tungkol sa hazing ng mga frats sa mga eskuwelahan at maging sa Philippine Military Academy (PMA) na karamihan ay nagresulta sa kamatayan ay parang hindi masugpo at mapahinto ang kabaliwan at kahayupang ito. Likas na ba sa tao ang maging bayolente? Dumarami ba ang bilang ng mga sadista at kriminal dahil sa pagkukulang sa droga panonood ng violent movies at mga babasahing nagbubuyo para gumawa ng krimen?

Matatandaan na si Interior Secretary Joey Lina ang nag-isponsor sa kongreso ng 1995 anti-hazing law. Kamakailan ay naghain si Senador Robert Barbers ng panukala na amyendahan ang naturang batas at ituring na heinous crime ang hazing na may katapat na kaparusahang bitay. Si Barbers ang chairman ng Senate Committee on public order and illegal drugs. Sinabi niya na hindi makatao at halang ang kaluluwa ng mga nagsasagawa ng hazing. Animo’y mga demonyo sila na hindi lulubayan ang biktima hanggat hindi malagutan ng hininga. Bukod sa mga namatay, karamihan sa mga biktima ng hazing ay nagkasakit dahil sa tinamong pagpaparusa at may ibang nasiraan ng bait.

Pinakahuling kaso ng hazing ay sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite. Namatay sa hazing si 4th class cadet Joefry Andawi na sobrang pinahirapan ni 3rd class cadet Jomery Polquiso na ngayon ay nililitis na ng hukuman.

Sa kasalukuyan, 20 taong pagkabilanggo ang parusa sa anti-hazing law kaya nagpanukala si Sen. Robert Barbers na patawan ng parusang bitay ang lalabag sa naturang batas.

HAZING

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

JOEFRY ANDAWI

JOMERY POLQUISO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

ROBERT BARBERS

SENADOR ROBERT BARBERS

SENATE COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with