Kilalanin si Elmer Nepomuceno
February 3, 2003 | 12:00am
SINO si Elmer Nepomuceno? Kung ang sulat na tinanggap ko at mga pulis na nakausap ko ang paniniwalaan, isang henyo si Nepomuceno kung jueteng ang pag-uusapan. Kaya huwag na kayong magtaka mga suki, kung bakit mahal na mahal ni Supt. Igmedio Cruz, ang hepe ng Task Force Scorpion ng CIDG, si Nepomuceno. Ika nga sa pelikula, si Nepumuceno ang bida sa buhay ni Supt. Igmedio Cruz. Get nyo mga suki?
Matagal na palang umiikot ang buhay ni Nepomuceno sa jueteng. Naging amo niya ang mga batikang financiers ng jueteng tulad nina Tony Santos. Bong Pineda, Eddie Caro at Nora de Leon, anang mga pulis na nakausap ko. Doon nahasa ang kanyang kaalaman sa jueteng na pinakikinabangan sa ngayon ni Supt. Cruz, anila. Pero maagang nagkahiwalay ng landas sina Nepomuceno at Tony at Bong dahil sa wala ng ibang dahilan kundi pera. He-he-he! Kapag sa pera talaga marami ang nasisira, di ba mga suki?
Sa ngayon, sina Nepomuceno at Cruz ang umaaktong protector nitong sina Nora at Eddie Caro, ayon sa sulat at mga pulis na nakausap natin. Porsiyentuhan sila kina Caro at Nora, anila Ika nga sosyong laway sila. Si Caro ay nag-ooperate ng jueteng sa Jalajala at Bagumbong sa Rizal, samantalang si Nora naman ay sa buong Laguna at sa ilang bayan ng Batangas. Hindi kayang galawin ng CIDG ang operasyon nina Caro at Nora dahil makakabangga nila si Cruz. At hindi lang yan, may karelasyon din pala si Nora na isang mataas na opisyal ng CIDG. He-he-he! Alam kaya ito ni Gen. Eduardo Matillano, ang hepe ng CIDG? Tanong lang.
Pati pangalan ni Chief Supt. Enrique Galang, ang hepe ng Region 4 ay pinangalandakan nitong operasyon nina Caro at Nora, yan ay kung paniniwalaan ang pagyayabang ni Maj. Nieves na tumatayong bagman ng una. Kung hindi kaya ng CIDG at Region 4 sina Caro at Nora dapat na sigurong pumasok sa problema si Interior Secretary Joey Lina, di ba mga suki? Saan na sa ngayon ang ipinagyabang ni Lina na kampanya niya laban sa jueteng? Bakit tiklop siya kina Nepomuceno, Supt. Cruz, Caro at Nora? Kung sabagay, baka hindi alam ni Sec. Lina ang jueteng operation nila. Ano ba yan?
Hindi kayo dapat magtataka mga suki kung kumita pa ng limpak-limpak na salapi si Nepomuceno. Alam niya kasi ang pasikot-sikot sa jueteng kayat sigurado akong marami ng gambling lords pa ang masasaktan sa kanya. Pero malaking tulong si Nepomuceno kay Lina, di ba mga suki? Kung hindi kaya ng pulis na ipasara ang jueteng sa bansa, dapat ang serbisyo ng tulad ni Nepomuceno ang kunin ni Lina at mukhang epektib pa siya. Si Nepomuceno ay isang sibilyan. Sobra naman ang asim nito, no mga suki?
Kaya sa ngayon, hindi lang mga jueteng lord at pulis ang galit kay Nepomuceno. Marami rin siya kasing nasagasaan o yon bang tinanggalan ng kita, di ba Rudy Luna Sir? Kaya kapag tumuntong si Nepomuceno at Rudy Luna sa opisina ni Supt. Cruz sa CIDG, maraming mga ahente ng naturang unit ng pulisya ang nagngingitngit sa kanila. Gusto rin silang suwagin pero takot sila lahat kay Supt. Cruz, na sanggang bata ni Matillano, anila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest