Hibang sa giyera
February 3, 2003 | 12:00am
AYON sa sikat na nobelistang John Lecarre, kahibangan na ang tinutulak ni George W. Bush na paglusob sa Iraq. Unang-una, si Osama bin Laden ang tunay na kaaway ng America simula nung 9/11, hindi si Saddam Hussein.
Tinangka ngang ipapatay ni Saddam ang tatay ni Bush nung unang Gulf war nung 1990, pero si bin Laden ang nagpalitson sa mahigit 3,000 sibilyan sa World Trade Center. Ikalawa, sakim lang daw si Bush sa langis. Halata ito sa planong ni-leak ng Pentagon na agawin ang Iraqi oil fields sa unang oras lang ng invasion. Ikatlo, mas malala ang ginawang paglisan ng North Korea sa Non-Proliferation Treaty at pagyayabang nito na itutuloy ang nuclear missile program. Winawagayway ni Kim Jong-Il ang kanyang mga nukes samantalang sumusumpa si Saddam na wala siya ni isang fissile bomb, pero dedma lang si Bush. Ika-apat, iniipit ni Bush ang allies ng America. Ayaw na ng France at Germany pumayag sa giyera. Pati Britain at Australia, binubulungan na si Bush na hintayin na lang ang pasya ng UN Security Council. Pati mga Amerikano mismo, sinasabi sa surveys na maglahad muna si Bush ng ebidensiya laban kay Saddam bago lumusob. Ikalima, hindi raw iniisip ni Bush ang buhay ng Iraqis or Amerikano o kaalyado na mawawaldas sa giyera.
Hindi sa kinakampihan ko ang nagwawalang cowboy mula Texas, pero hibang din si Saddam. Abay may balak na sunugin ang sariling oil fields sa Iraq sakaling lumusob ang America. Ang pakay ni Saddam, miski magkagutom-gutom ang mga kababayan sa kawalan ng negosyo mula sa langis, ay ipagkait sa mundo ang oil production ng Iraq.
Isa ring kahibangan ang pamamahagi ni Saddam ng 55,000 automatic rifles sa mga loyalista niyang sibilyan. Halatang ang pakay, miski mahuli siya ng Amerikano o pabagsakin ng oposisyon o tumalilis sa Libya, ay magkagulu-gulo nang husto. Papano nga naman magtatayo ng bagong gobyerno sa Iraq kung may 155,000 armadong rebelde.
Kung tutuusin, parehong hibang sina Bush at Saddam.
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended