^

PSN Opinyon

Apoy sa Balsa (82)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGING pula ang ilaw ng main camera. Milyun-milyong netizens ang nakatutok sa live broadcast. Sa gilid ng stage, tensiyonado ang mga talent managers na sina Ma­nager Frank at Manay Helen, habang si Rhea naman ay nakatayo sa tabi ng floor director, humihinga nang malalim.

Unang nagprisintang magtanong ang showbiz reporter na si Menchu. Alam ni Rhea na planta ito ni Manay Helen dahil nasa payola niya ito. “Kael, Winona... mainit ang naging usap-usapan ngayong araw. Diretso kong tatanungin, totoo ba ang balitang matagal na kayong may lihim na relasyon, at ito ba ang kinakapitan n’yo sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ni Winona?”

Tumingin si Winona kay Kael, nagmamakaawa ang mga mata. Huminga nang malalim si Kael at humarap nang deretso sa camera.

“Ang ‘WiKael’ ay loveteam nabuo dahil sa tiwala­ ng publiko at sa husay ng buong production team,” simula ni Kael, maayos at buung-buo ang boses. “Ngunit hindi natin­ kailangang mag-imbento ng kuwento ng pag-ibig para lang takpan ang isang pagkakamali.”

Nagulat ang lahat ng tao. Napahawak si Frank sa kanyang ulo, ngunit nagpatuloy si Kael.

“Tao si Winona, at tulad ng sinuman sa atin, nagkaka­mali siya,” patuloy ni Kael habang tiniti­tigan si Winona nang may respeto. “Ang kailangan ng taong naagrabyado ay hindi pagsisinungaling, kundi tapat na paghingi ng paumanhin at pagbabago.”

Inabot ni Kael ang mikropono kay Winona. Sa gitna ng gulat at takot, naramdaman ng aktres ang katotohanan sa sinabi ng binata. Lumapit si Winona at hinawakan ang microphone at humarap nang may totoong pagsisisi. Habang lumuluha, humingi ito ng taos-pusong paumanhin sa waiter, sa kaniyang mga tagahanga, at nangakong haharapin ang kanyang mga pagkakamali nang walang pagtatago.

Natahimik ang buong studio bago dahan-dahang napa­litan ng palakpakan ang lahat ng mga taong dumalo ng presscon.

Sa kabilang dulo ng ilaw, nagkatitigan sina Rhea at Kael. Sa pamamagitan ng katotohanan at integridad, naisalba ni Kael ang karera ng kanyang kapareha nang hindi ibinebenta ang sarili at ang lihim na pag-ibig na kailanman ay hindi magi­ging kasangkapan­ ng kahit anong PR cam­paign.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with