Enjoy lang kahit kulang
Mga kapatid, ano ang kulang sa’yo ngayon?
Kulang sa pera.
Kulang sa tulog.
Kulang sa pagmamahal.
Kulang sa oras.
Kulang sa grades.
Kulang sa “sana”.
Ang bigat diba? Parang laging may hinahabol.
Parang hindi ka pa sapat.
Sa psychology, tawag dyan: scarcity mindset.
Laging kulang, kaya laging nag-aalala.
Pero mga kapatid, pakinggan niyo si Jesus:
“Napakaligaya ng taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit!” Mateo 5:3
Kaya mga kapatid, enjoy lang kahit kulang!
Paano? Palitan natin ang tanong.
Hindi “Ano ang kulang?” kundi “Ano ang meron?”
Ito ang 3 simpleng lunas:
1. Bilangin ang meron
Bago matulog, isipin mo:
May bubong. May pagkain. May pamilya. May trabaho. May buhay.
Kulang ka sa pera? Oo. Pero may hininga ka.
‘Yan ang tunay na yaman.
2. Gawin ang kaya
Hindi mo kailangang tapusin lahat ngayon.
Ano lang ang kaya mo sa araw na ito? ‘Yun muna.
Isang hakbang. Isang tawag. Isang dasal.
Ang Diyos hindi humihingi ng sobra. Humihingi lang ng “sapat”.
3. Magtiwala kay Lord
Sabi ni Lord: “Huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at iinumin... Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.” Mateo 6:31-32
Ibigay mo kay Lord ang “kulang”.
Siya ang mahilig magparami ng kaunti. Naalaala ninyo yong 5 tinapay at 2 isda?
Tandaan:
Hindi ka kulang.
Sapat ka sa mata ng Diyos.
At kung sapat ka sa Diyos, sapat na yan.
Kaya ngayong araw, enjoy lang kahit kulang!
Magpasalamat sa meron. “Count your blessings,” ika nga. Sa psychology, ang tawag dyan: Abundance mentality.
Gawin ang kaya.
Itiwala ang wala kay Lord.
Damang-dama mo ang pag-aalaga ng Poong Maykapal.
Hindi Niya tayo pinababayaan.
Bendisyunan po kayo ng Poong Maykapal! “Ber” months na. Lapit na ang Pasko!
Kita-kits po ulit tayo sa darating na Sabado, sa isa pang “Enjoy lang!”
- Latest




















