^

PSN Opinyon

Ilang dapat malaman sa kaposi's sarcona

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ITO ay malignant skin tumor na nabuo mula sa mga daanan ng dugo. Apektado ng kondisyong ito ang balat sa paa, sakong, kamay at paa. Kung ang pasyente ay may Acquired Immune Deficiency Syndromes (AIDS), apektado ng sakit na ito ang kanyang gastrointestinal at respiratory tracts. Maging ang kanyang lymph nodes ay maaaring maapektuhan ng kaposi’s sarcoma.

Ang palatandaan ng kaposi’s sarcoma ay ang pagkakaroon ng pantal na kulay violet. Ito ay dahil sa tumor na kadalasang makikita nga sa paa, sakong at kumakalat sa kamay at mga palad. Mas delikado kapag umatake sa mga AIDS patients sapagkat magkakaroon ng pagdurugo sa kanilang gastro-intestinal at respiratory tracts. Posible rin ang pagkakaoon ng anemia.

Hindi matiyak kung ano ang dahilan nang pagkakaroon ng sakit na ito subalit nabalita na ito ang dahilan ng pagkamatay sa maraming bansa sa Africa. The form of the disease associated with AIDS is more advance and the prognosis is poor. Kadalasang kasama ng sakit ang malignant lymphoma, diabetes at iba pang sakit.

Radiotheraphy ang paraan ng paggamot sa sakit na ito subalit epektibo lamang sa mga hindi pa malubha. Chemotheraphy naman ang kailangan para sa malubha nang kaso ng kaposi’s sarcoma upang mapigilan ang paglaki o pagkalat ng tumor.

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROMES

AIDS

APEKTADO

CHEMOTHERAPHY

KADALASANG

POSIBLE

RADIOTHERAPHY

SAKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with