Pulitika'y itinakwil
January 12, 2003 | 12:00am
Sa sinabi ng Pangulong hindi siya kakandidato
Marami ang nangatuwa sa kabayang Pilipino;
Ang pahayag ni Ate Glo ay malaking sakripisyo
Upang itong ating bansa ay lubusang umasenso!
Kung ang iba nating lider ay ganito ang damdamin
Matagal nang itong bansay progresibo at maningning;
Ang hibo ng pulitika na batik sa bansa natin
Ay hindi na iiral pa kahit saan makarating!
Hiniling pa ng Pangulo na tayo ay magkaisa
Upang itong ating bansa ay ganap na lumigaya;
Kung tayo ngay watak-watak sa damdamin at adhika
Kaguluhay maghahari at tayo rin ang kawawa!
Sinisikap ng Pangulo na ang bansa ay iangat
Kalingain at tulungan lalo na ang mahihirap;
Subalit ang ginagawa ay lagi nang may katapat
Ng pagpunat upasala ng kalabang matay bulag!
At dahil sa kabuhayan ang problema nitong bayan
Ang lunas ay hanap niya sa lunsod at kagubatan;
Pero bawat hakbang niyang patungo sa kabutihan
Kinokontrat sinisira ng kalabang politicians!
Ayaw nila ng ang bayay paunlarin ng Pangulo
Pagkat gusto ng kalaban ay maangkin ang kredito;
At ngayon ngang pulitikay itakwil ng liderato
Patuloy din ang kalaban sa ambisyong pulitiko!
Ang malinis na hangarin ng sino mang nasa timon
Sa wala rin nauuwi pag-umentra ang simaron;
Ang matapat na hangaring mapaunlad itong nasyon
Ay nagiging pangarap lang pagkat daming napipikon!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended