Kaayusan sa 2003, Madam President
January 5, 2003 | 12:00am
NANG ipahayag ni President GMA na hindi na tatakbo sa 2004 election ay bumulabog sa marami lalo na sa oposisyon.
Marami ang namangha na ayon sa maraming pulitiko ay kakaibang hakbang na maaaring magdulot ng pagbabago sa sistemang pampulitika sa bansa.
Sa kabilang dako naman, ang pasyang ito ni GMA, kung matutupad, ay maituturing na isang magandang hakbang upang magkaroon ng tunay, lubos at puspusang pagpuksa sa kriminalidad sa ating lipunan.
Dahil sa kanyang pasya, binigyan na ni GMA ang kanyang sarili ng kaukulang pagkakataon at kalayaang ipatupad ang batas laban sa kriminalidad, at ibalik ang kaayusan sa ating lipunan.
Bagamat hindi lubos na positibo ang nakikita ng marami sa taong ito, malaki rin ang maidudulot na pagbabago kung mahigpit na ipatutupad ang batas laban sa mga lumalabag.
Kabilang na rin sa ating mga batas ang Death Penalty Law, na hanggang ngayon ay hindi lubos na naipatutupad para sa mga nahatulan nito.
Hanggat kabilang ito sa ating mga batas, dapat ay ipatupad ito upang magkaroon ng matibay na paniniwala ang ating mga kababayan na seryoso at hindi nagbibiro ang Presidente sa kanyang layuning ibalik ang kaayusan sa ating lipunan.
Ngayon, maaari nang ipaalam at ipaunawa ng Presidente sa lahat na seryoso ito sa kanyang layunin na ipatupad ang kanyang mga programang pangkaayusan at pang-ekonomiya para sa bansa.
At sa pagtiyak at pagkamit ng mga layuning ito, makakaasa naman ang Presidente, at mga kababayan, sa panunumbalik sa landas tungo sa kaunlaran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest