^

PSN Opinyon

Ang scarecrow at si Mang Usti

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NANG magbalik ako sa nayon ilang taon na ang nakararaan ay nakakuha ng aking atensyon ang scarecrow o ang "panakot-uwak" na nasa gitna ng palayan na aking dinaanan habang sakay ng sasakyan. Ang "panakot-uwak" na aking nakita ay may pantalong kulay pula, asul na polo at may sombrerong yari sa buli na pininturahan ng kulay dilaw. Noon pa ay alam kong ang ulo ng scarecrow ay mula sa binilog na damo, samantalang ang mga mata, ilong at bibig ay kinulayan lamang. Ang mga kamay at daliri naman ay ang mga iniusling damo mula sa laylayan ng damit.

Kinabukasan, nang magkita kami ng kaibigan kong si Mang Usti ay ang scarecrow ang aming napag-usapan. Niyaya ako ni Mang Usti sa kanyang bukid. Mula roon ay natanaw ko ang isang scarecrow.

"Mas maganda pa ang bihis ng scarecrow kaysa sa suot ko, Mang Usti."

"Maski sa suot ko, Doktor," sagot naman niya at nagtawanan kami.

"Mang Usti, bakit ba bibihira na akong makita ngayon ng scarecrow?"

"Isa na itong papawalang sining. Siguro, hindi na epektibo para pantaboy ng uwak at mga maya. Isa pa, masyadong matrabaho ang paggawa ng panakot-uwak. Sayang din ang gagamiting damit."

Napansin kong nakahanda na ang bukid ni Mang Usti para sa taniman ng palay. Malaki rin ang bukid ni Mang Usti at marami siyang inaani.

"E di naglalagay ka rin ng scarecrow dahil malaki itong bukid mo?"

"Hindi na Doktor."

"Bakit naman?"

"Ang kalaban ko ngayon ay hindi mga ibon kundi mga magnanakaw. Maraming gumagapas sa aking palay kapag hinog na. Sa gabi nila ninanakaw."

"Kung ganoon, dapat pala ang ilagay mo ay panakot-magnanakaw."

BAKIT

DOKTOR

ISA

KINABUKASAN

MALAKI

MANG

MANG USTI

MARAMING

SCARECROW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with