Welcome 2003!
January 1, 2003 | 12:00am
BAGONG Taon
Bagong Buhay
Bagong Pag-asa ang hangad ng BANTAY KAPWA sa lahat na tumatangkilik ng Pilipino Star NGAYON.
Isang makasaysayang 2002 ang lumipas. Bagamat maraming pagsubok, kontrobersiya, isyu, suliranin at ibat ibang kaganapan noong nakaraan na taon, ay nananatili pa ring nakatayo ang mga Pilipino. Sa maraming pagkakataon ay mapatunayang matatag at nagkakaisa ang diwa sa pagmamahal sa bayan at demokrasya.
Maraming trahedya ang naganap noong 2002. Ilang eroplano ng Philippine Air Force ang bumagsak at marami ang namatay. Ilang sasakyang dagat ang lumubog. Ilang pampasaherong bus ang nahulog sa bangin na nagdulot sa pagkamatay ng maraming tao.
Makailang beses nagprotesta at nag-rally laban sa pagtaas ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin. Mga kilos protesta rin ang ginanap kontra sa "Balikatan" at sa mga sari-saring scam gaya ng umanoy panlilinlang ng Meralco sa mga consumers mula noong 1994. Nariyan ang kontrobersiya sa NAIA 3 contract, ang isyu sa IMPSA, overpriced na Diosdado Macapagal Blvd. at iba pa.
Sobra-sobra na ang pamumulitika. Ilang opisyal ng gobyerno ang nadawit sa ibat ibang anomalya. Ang kontrobersiyal na si Manila Rep. Mark Jimenez ay nagpaputok nang maraming bomba at maraming nadawit kabilang na sina Justice Sec. Hernani Perez at First Gentleman Mike Arroyo.
Marami ring krimen ang naganap, mga kasong konektado sa droga, mga paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng Abu Sayyaf at NPA at iba pa.
Sa taong ito inaasahang mangyayari rin ang mga naganap noong 2002. Walang katapusang siraan, bulgaran ng mga baho lalo na ng mga kakandidato sa 2004 polls, kidnapan, patayan at droga ang hindi mahahadlangan sa bansang ito na mas nakararami ang mahihirap at walang hanapbuhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended