Paano ako magiging miyembro ng Pag-IBIG?
January 1, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Isa po ako sa mga nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON at ang iyong column ang aking binabasa. Minsan ay isang pinsan ko ang nagtungo sa amin at nabanggit niya ang tungkol sa problema niya sa Pag-IBIG. Gusto niyang maging miyembro nito subalit ang kanilang employer ay patuloy na winawalambahala ang kanilang kahilingan. Tinanong ako ng aking pinsan kung kanino maaaring lumapit at ikaw po Secretary ang aking naisip. Minabuti ko na lamang na sumulat at para mas maging maliwanag.
Sana ay maipaliwanag ninyo kung paano mapipilit ng aking pinsan ang kanyang employer para maging miyembro ng Pag-IBIG.
Naaawa ako sa aking pinsan. Kung miyembro siya ng Pag-IBIG matitikman din niya ang mga benepisyo gaya ng housing loan, multi-purpose loan at iba pa. JOSE MARIANO ng Quezon City
Marami na ang ganitong kaso na naisulat sa akin. Salamat naman at nagmamalasakit ka sa iyong pinsan. Dapat lamang na maireport ang sinumang employer na tumatangging maging miyembro ng Pag-IBIG ang kanilang empleyado.
Ayon sa Presidential Decree 1752 (ang batas na lumikha sa Pag-IBIG Fund) mandatory na miyembro ng Pag-IBIG, ang lahat ng miyembro ng SSS at GSIS. Kung miyembro kayo ng SSS dapat na maging miyembro rin kayo ng Pag-IBIG. Dahil sa pagtanggi ng inyong employer, pinapayuhan ko kayong magtungo sa Legal Department ng Pag-IBIG Fund sa 8th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City upang personal na maghain ng reklamo.
Iimbestigahan ng Legal Department ang inyong kaso. Kapag napatunayang tumanggi ang employer na irehistro kayo sa Pag-IBIG, maaari siyang ihabla ng Pag-IBIG Fund sa kasong kriminal sa paglabag ng PD 1752. Ayon sa batas na ito ang pagtanggi o hindi pagrehistro ng employer ang mga empleado nito sa Pag-IBIG ay maaaring patawan ng kaparusahan ng pagkabilanggo ng hindi hihigit ng anim na taon.
Para sa katanungan sumulat sa Office of the Chairman, Housing and Urban Development Coordinating Council, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City. Pakilagay lamang kung gusto ninyong ipalathala sa Pilipino Star NGAYON (PSN) ang inyong sulat.
Isa po ako sa mga nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON at ang iyong column ang aking binabasa. Minsan ay isang pinsan ko ang nagtungo sa amin at nabanggit niya ang tungkol sa problema niya sa Pag-IBIG. Gusto niyang maging miyembro nito subalit ang kanilang employer ay patuloy na winawalambahala ang kanilang kahilingan. Tinanong ako ng aking pinsan kung kanino maaaring lumapit at ikaw po Secretary ang aking naisip. Minabuti ko na lamang na sumulat at para mas maging maliwanag.
Sana ay maipaliwanag ninyo kung paano mapipilit ng aking pinsan ang kanyang employer para maging miyembro ng Pag-IBIG.
Naaawa ako sa aking pinsan. Kung miyembro siya ng Pag-IBIG matitikman din niya ang mga benepisyo gaya ng housing loan, multi-purpose loan at iba pa. JOSE MARIANO ng Quezon City
Marami na ang ganitong kaso na naisulat sa akin. Salamat naman at nagmamalasakit ka sa iyong pinsan. Dapat lamang na maireport ang sinumang employer na tumatangging maging miyembro ng Pag-IBIG ang kanilang empleyado.
Ayon sa Presidential Decree 1752 (ang batas na lumikha sa Pag-IBIG Fund) mandatory na miyembro ng Pag-IBIG, ang lahat ng miyembro ng SSS at GSIS. Kung miyembro kayo ng SSS dapat na maging miyembro rin kayo ng Pag-IBIG. Dahil sa pagtanggi ng inyong employer, pinapayuhan ko kayong magtungo sa Legal Department ng Pag-IBIG Fund sa 8th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City upang personal na maghain ng reklamo.
Iimbestigahan ng Legal Department ang inyong kaso. Kapag napatunayang tumanggi ang employer na irehistro kayo sa Pag-IBIG, maaari siyang ihabla ng Pag-IBIG Fund sa kasong kriminal sa paglabag ng PD 1752. Ayon sa batas na ito ang pagtanggi o hindi pagrehistro ng employer ang mga empleado nito sa Pag-IBIG ay maaaring patawan ng kaparusahan ng pagkabilanggo ng hindi hihigit ng anim na taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended


















