^

PSN Opinyon

Mga tauhan ni Gen. Velasco sa RISSO ay CISU mababangis na tulisan!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAPAT sigurong ikadena ni Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang kanyang mga mababangis na operating units sa Camp Bagong Diwa sa Taguig bago maging huli ang lahat. Panay hulidap sa bangketa ang lakad ng mga bataan ni Velasco nitong Christmas holiday na ikinatuwa naman ng kanyang mga kalaban sa Camp Crame. Si Velasco ay isa sa malakas na contender bilang kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. kaya’t maaring gagamitin ang isyu ng kanyang kalaban, di ba mga suki? Teka nga pala, Happy birthday muna kay General Ebdane. Sana marami ang malasing at humaba pa ang panunungkulan mo sa PNP. Totoo ba na lilipat ka na sa DOTC, Gen. Ebdane, Sir?

Ayon sa mga pulis na nakausap ko, ang mga operatiba ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) at Counter Intelligence Special Unit (CISU) ay walang ginawa nitong Christmas holidays kundi mang-raid ng pasugalan at mga sangkot sa droga. Sa biglang tingin, lehitimo ang kanilang lakad pero ayon sa taga-Camp Crame hulidap at bangketa ang lakad ng mga loko. Ang masaklap pa hindi nako-kontrol ng kanilang hepe ang mga mababangis at masisibang operatiba nila, anang isang opisyal sa Camp Crame na nagmomonitor sa mga bataan ni Velasco. Alam ito ni Sgt. Rey Cuevas ng RISOO, aniya.

Halos lahat pala ng nabiktima ng gutom na taga-RISOO at CISU ay naiiwang luhaan. Paano, pati barya pala ay sinusunggaban ng grupong tulisan. Hindi lang makalutang ang mga biktima dahil ilegal nga ang kanilang negosyo. Aba may utak din pala ang mga tulisan na bataan ni Velasco?

Ang problema lang, minomonitor pala sa Camp Crame ang mga aktibidades nila at ang balita ko, may kinakausap na mga biktima para kumbinsihing magreklamo at ng mapahiya nga si Velasco. ‘‘Marami kaming sumbong na natatanggap dito. Ang problema lang mahirap kumbinsihing lumutang ang mga biktima dahil ang negosyo nila ay droga,’’ anang isang opisyal ng PNP na nakausap ko. He-he-he! Baka maunsiyami pa ang mga plano ni Velasco ah? Sayang dahil isang hakbang na lang at nandoon na siya sa kanyang minimithing hangarin, ang palitan si Ebdane nga.

Para i-distansiya ang kanyang sarili, dapat sigurong itapon ni Velasco sa kangkungan itong mga tulisan niyang tauhan. Kasi hindi maniniwala ang sambayanan na hindi siya naambunan sa operasyon ng mga ito kung mananatili pa sila sa kani-kanilang puwesto. Okey ba Sgt. Rey Cuevas? Kailangan ni Velasco ang isang swift and decisive action para hindi siya maakusahang kumakalong sa grupong hulidap at bangketa ang lakad. At dapat ding malaman ni Velasco, may lihim na natutuwa habang nanghaharabas ang mababangis niyang mga tauhan.

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

COUNTER INTELLIGENCE SPECIAL UNIT

EBDANE

GENERAL EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

REY CUEVAS

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with