Ang tahimik na killer
December 29, 2002 | 12:00am
TAHIMIK siya kung pumatay. Gumagapang na hindi nalalaman at nagtatrabaho nang husto para siguraduhing ang kanyang biktima ay mamamatay. Kinatatakutan siya sa buong mundo. Marinig lamang ang kanyang pangalan ay kinatatakutan na siya.
Dito sa Pilipinas ay marami na siyang pinatay at karamihan ay mga babae. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanyang pananalasa at maski ang mga nasa liblib na barangay hanggang sa mga nasa mauunlad na siyudad ay hindi niya pinaliligtas. Patuloy ang kanyang paglaki. Patuloy ang kanyang paggapang. Patuloy ang pamiminsala at pagpatay. At sa dami ng kanyang mga pinatay hindi pa rin siya ganap na masugpo. Wala yata siyang kamatayan.
Siya si CANCER!
Siya ang nangunguna sa limang killer dito sa Pilipinas. At maaaring masugpo lamang ang killer na ito kung magkakaroon ng tuwirang kampanya ang pamahalaan para maipabatid siya sa mga tao at patayin na ito habang maaga pa. Hindi siya dapat hayaang makagapang at makapaminsala sapagkat ang pagwawalambahala ay maghahatid lamang sa panibagong problema. Kakalat nang kakalat at marami pang papatayin.
Ang cancer sa suso ang karaniwang tumatama sa mga kababaihan. Ayon sa ulat, ang cancer sa suso ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga babae sa kasalukuyan. At walang pinatatawad ang cancer sa suso. Isang iglap lamang at ang kanyang nasakmal na babae ay mamamaalam sa mundong ito.
Dapat na magkaroon ng masinsinang kampanya ang pamahalaan tungkol sa cancer. Ipabatid ito sa mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga presentasyon na nasusulat nang maayos at mapapanood sa telebisyon ng mga karaniwang mamamayan.
Maiiwasan ang cancer kung magiging alerto lamang at hindi magdadalawang isip sa pagkunsulta sa mga cancer specialist. Ang maagang pagkaalam sa cancer sa suso ay isang paraan para maputol na ang pagkalat ng "silent killer".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended