Dalangin ng pag-asa at pagkakaisa sa 2003
December 29, 2002 | 12:00am
Pag-asa para sa ating mga kababayan na nalulugmok sa kahirapan. Idinadasal ko na ang sasapit na taong 2003 ay lalo pang umagat ang ating ekonomiya.
Dalangin ko ang pagkakaisa para sa lahat ng grupo at sektor ng lipunan. Sana ay magkaroon ng pagtutulungan upang lalong maging mabisa ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan. Dalangin ko na matigil na ang pagkakahati-hati sa ating lipunan. Isa ito sa lubhang nakakaapekto sa ating pag-unlad.
Dalangin kong magkaroon na ng lubusang kapayapaan. Naway matigil na ang labanan ng mga rebeldeng grupo laban sa puwersa ng pamahalaan. Kung magkakaroon ng lubusang kapayapaan matitigil na ang paghihirap ng mga pamilyang apektado ng labanan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo. Kapayapaan din ang hangad ko sa Middle East para hindi na magkaroon ng agam-agam ang isip at kalooban ng ating mga kababayang nagtatrabaho roon.
Dalangin ko ang pagkakaroon ng pagmamahalan para sa bawat pamilyang Pilipino na patuloy na dumaranas ng mga matinding pagsubok.
Magkaroon sana ng lubusang pagtitiwala ang bawat Pilipino sa pamahalaan. Dalangin kong sa 2003 ay maging mas mabuti, mas masaya, mas mapayapa at mas lalong masagana ang lahat ng mga Pilipino.
Maligayang Bagong Taon sa lahat!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended