Maligayang Pasko sa mga nabanatan ng ORA MISMO
December 26, 2002 | 12:00am
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon ang lahat ng mga nakana sa kolum na ito pero hindi natin pinipersonal ang isyu kundi trabaho lamang, mga kamote.
Binulgar ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga kagaguhan at katarantaduhan ng ilang kurap na kamote para ipaabot sa gobyerno ang kanilang ginagawa porke ang gobyerno ang siyang gumagago, este mali, nagbibigay proteksyon pala sa mga mamamayang Pilipino na umaasang magbabago ang kanilang buhay.
Hindi galit ang mga kuwago ng ORA MISMO. Kaya namin kayo pinupuna ay upang ituwid ang inyong curve na gawain. Hindi ba folks!
Kung wala tayong isusulat, siyempre walang kolum ang ORA MISMO natural wala kaming kakainin, di kawawa naman ang pamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO. Tumpak ba, Pareng Rex Ramones.
Hindi ko kayo inaaway kasi hindi ko naman kayo kakilala kaya lang maraming nagngunguso sa mga kalokohan ninyo kaya eto ang mga kuwago ng ORA MISMO, lumalaki ang mata sa katitingin sa mga marurumi ninyong gawain.
Sa mga nabanatan ng mga kuwago ng ORA MISMO sana ay huwag kayong magalit sa amin kasi gusto namin kayong magbago tulad ng pagbabago ng gobyerno.
Baka kasi magunaw ang mundo at mahuli kayo sa inyong gagawing pagsisisi kaya mas mabuti habang maaga ay ilagay ninyo sa ayos ang mga sarili ninyo kaysa ma-meet ninyo si Lucifer sa impiyerno.
Ang dami pa namang bakanteng puwesto ang naghihintay sa mga gago roon.
"Siguro panahon ngayon para magpatawaran, kasi Christmas," sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Baka puwede sa susunod na taon iayos natin ang istilo ng mga kuwago ng ORA MISMO?," anang kuwagong Kotong Cop.
"Wala namang dapat baguhin sa ORA MISMO porke parating bago ang tapik dito," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Siguro dapat sila ang magbago para mabago naman ang isusulat ng mga kuwago ng ORA MISMO."
"Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit."
"Kaya ang masasabi ko ngayon ay Merry Christmas muna sa lahat ng mga taong tumatangkilik ng Pilipino Star Ngayon at nagbabasa ng ORA MISMO."
"Iyan ang magandang pagbati sa mga gago, Kamote, he-he-he."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest