^

PSN Opinyon

Happy birthday, Jesus

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
BUKAS ay Pasko na. Akalain mo nga naman, mahigit na tatlong buwan na ang lumipas mula nang una nating narinig sa mga himpilan ng radyo ang Jingle Bell at Silent Night habang nasaksihan natin ang paglalagay ng mga palamuting pang-christmas sa mga bahay at mga lansangan.

Mabuti na lamang at mababaw ang kaligayahan ng mga Pilipino. Sa gitna ng kahirapan at kakulangan sa pamumuhay, naidaraos pa rin nila ang kapaskuhan. Titingin-tingin at tatakam-takam na lamang sa mga nakikita nilang mga naggagandahang naka-display sa eskaparate, mga laruan para sa mga bata at mga masasarap na prutas at kakanin sa sidewalk.

Tuwing sumasapit ang Pasko, nakikita natin tuloy ang pagkakaiba ng pamumuhay dito sa ating bansa sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman. Maraming dekada na ang lumipas at milyun-milyon ang mga pangako ng naluklok sa pamahalaan datapwat ang kanilang mga pangako ay napako na lamang.

Di bale, ilang oras na lang at lilipas na muli ang bigayan ng pera at mga regalo, kainan, inuman at iba pang mga makamundong selebrasyon, malalaman na rin ng ating Panginoong Jesus kung mga sino talaga ang nagsasaya at nagbibigay ng pag-ibig at pagmamahal ayon sa tunay na kahulugan ng Kanyang kapanganakan at hindi batay sa mga materyal na bagay.

Dapat nating maalala na si Jesus ay ipinanganak upang maghasik ng pag-ibig sa lahat at ganito rin ang Kanyang inaasahan sa bawat isa. May panahon pa upang sumailalim tayo sa pag-ibig ng ating tunay na tagapagligtas. Happy Birthday, Jesus!

AKALAIN

DAPAT

HAPPY BIRTHDAY

JINGLE BELL

KANYANG

MARAMING

PANGINOONG JESUS

PASKO

SILENT NIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with