^

PSN Opinyon

Laguna board member nahuli ng BITAG sa Classmate KTV

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KUNG inyong matatandaan, laman ng kolum na ito noong Oktubre 16, 2002 ang KADUPANGAN ng U-BELT APARTELLE na nag-ooperate bilang motel sa University Belt, sa may Morayta, katapat lang ng Far Eastern University.

Dalawang beses namin itong pinalabas sa BITAG, ABC-5. Unang episode, September 14 at ni-replay namin ito noong October 19, taong kasalukuyan.

Huli ng aming surveillance camera sa pamamagitan ng aming undercover na nagpapapasok ang mga hayupak na pamunuan ng motel sa mga menor de edad.

Nitong December 1st, nagsara na ang U-BELT Apartelle. Wala kaming pakialam kung ano ang kanilang dahilan. Ang mahalaga, wala na ang salot na establisimiyentong parausan ng tawag ng laman. Karamihan sa mga parukyano ng U-BELT ay mga estudyante.

Alam ng may-ari ng Wise Hotel Group of Companies na si Wyden King na hindi kami titigil sa BITAG hangga’t hindi namin nakakamtan ang tamang kahihinatnan. Malamang umiwas na lang ang mga dupang sa amin.

Bagamat sarado na ang U-BELT Apartelle, tuloy ang aming pagmamanman. At ikaw Kabaong, makinig ka! ‘Wak na ikaw pakialamelo ha! Hindi uubla iyo tlabaho pagiging padlino. Eto, kita mo salado negosyo iyo kabalahibo."
* * *
Wala pa ring kadala-dala ang mga makakapal ang mukha na gumagamit ng mga sasakyang gobyernong may pulang plaka sa kanilang pag-good time sa mga KTV.

Kahapon ng madaling-araw, bandang alas dose, isang board member ng Laguna ang napilitang humarap sa aming camera na hindi muna namin papangalanan at titirhan namin ng konting mukha.

Panoorin n’yo na lang ngayong January 4, Sabado, alas singko ng hapon. Kilalanin ang hunghang at alamin kung ano ang kanyang dahilan kung bakit ginamit niya ang sasakyang pang-gobyerno sa kanyang pang-good time.

Pinatawag ko yung ‘‘gago’’ na lumabas ng Classmate KTV upang humarap sa camera at magpaliwanag. Tumugon naman ’yung mokong na board member. Habang nangangatog ang tuhod, kulang na lang ay maipot sa kanyang salawal.

Ganito ang inyong sasapitin kapag kayo’y nahulog sa aming BITAG.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)934-6417 at telepono 932-5310/9328919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon sa ABC-5.

E-mail us: [email protected]/[email protected]

APARTELLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

NITONG DECEMBER

SABADO

UNIVERSITY BELT

WALA

WISE HOTEL GROUP OF COMPANIES

WYDEN KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with