^

PSN Opinyon

Kotong n'yo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SIMULA nang manungkulang mayor ng Marikina City si Bayani Fernando, nakilala ang siyudad na pinamumunuan nito bilang "Nature friendly City" dahilan sa kalinisan, kagandahan at pagiging disiplinado ng mga mamamayan.

Ngunit hindi namamalayan ngayon ng kasalukuyang mayor na si Maria Lourdes Fernando, maybahay ni BF na ngayon ay MMDA Chairman na dalawang tauhan nito na nakatalaga sa Office of Public Safety and Security (OPSS) ang mistulang "kalawang" na sumisira sa magandang imaheng pinagsisikapang ipundar para sa mga mamamayan.

Ang OPSS na pinamumunuan ni Edwin Tan ay taliwas sa sinasabing "kaligtasan ng publiko at seguridad" dahil sa matagal na umanong "sikat" sa mga motoristang nagtutungo sa nasabing model city ng Metro Manila.

Ito ay dahilan umano sa paghahasik ng lagim nina alyas "Miranda" at "De Guzman", kapwa binansagang kilabot na lider ng "Kotong traffic enforcers" ng nasabing siyudad.

Matagal nang inuungot ng mga Kuwago ng ORA MISMO na iparating ang nasabing iregularidad sa tanggapan ng mag-asawang Fernando ngunit minabuti natin na manmanan pa ang dalawang tulisang ito kung talagang may katotohanan ang sumbong.

Batay sa sumbong ay kapuna-puna umano ang kasipagang ipinakikita ng tambalang Miranda at De Guzman sa puspusang paninita kasabay ng panghuhuli sa mga traffic violators. Ngunit kwidaw dahil ibang istilo ang kanilang ginagawa na sa halip na bigyan ng Traffic Citation Ticket ang mga lumalabag ay lisensiya ang kinukuha sa mga pinupuntiryang biktimahin.

At papayuhan na magtungo na lamang sa tanggapan ng OPSS kasi may secret daw agenda ditong nagaganap ang "milagro" na taliwas sa ipinag-uutos ni Kristo. Sa tamang presyo, presto... makukuha mo na ang iyong lisensiya.

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng City Hall ang "modus operandi" ng dalawang kilabot na Traffic enforcers na ito.

At kung pag-uukulan lamang ng panahon ni Madam Mayor na repasuhin ang apprehension report nina Miranda at De Guzman ay mayroon itong matutuklasan. Sigurado ako! Kumpara sa dating hepe ng OPSS na sa loob ng isang araw ay nakahuhuli ng mahigit sa 200 traffic violators, ang kasalukuyang pamunuan ay lubhang mababa ang bilang.

"May kinalaman kaya si Sir Tan diyan? Har! Har! Har! Kasi si Miranda ay may derogatory record pero hindi nito inaksiyunan," tanong ng kuwagong Ogag na madalas na manghuli ng gurami sa Marikina river.

May tip pa ako kay Boss, Madam Mayor, na rebyuhin din ang "gas supply" ng mga taga-OPSS dahil sa magugulat din ito sa matutuklasan. Na sa halip na budgeted gas supplies na 3-litro kada araw ay maha-high blood ito kung papaano nakakalusot na kumokonsumo ng mula apat hanggang 10 litro per day ang mga sasakyang nakikinabang ng rasyon ng gasolina. Take note, kabilang dito ang service motorcycle.

"Aba! Aba! Ano ba naman ’yan, Madam Mayor? Pababayaan pa natin ang ganitong sistema? Galit si Chairman BF sa ganyan," puna ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mukhang matindi raw ang lifestyle nina Miranda at De Guzman, Madam Mayor. Baka puwede ninyong gawing sampol ’yan dahil talagang nakasusuka ang gawain ng dalawang ito," ang mungkahi ng kuwagong hitad.

"Sa palagay ko magbabago rin sila?"

"Kailan pa?"

"Pag nasibak!"

BAYANI FERNANDO

CITY HALL

DE GUZMAN

EDWIN TAN

HAR

MADAM MAYOR

MARIA LOURDES FERNANDO

MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with