^

PSN Opinyon

Walang kredibilidad si Mary "Rosebud" Ong

- Al G. Pedroche -
HUMIHIRIT na naman si ex-police drugs asset, Mary "Rosebud" Ong. Ang utak daw sa pagpaslang kay Supt. John Campos ay si Senador Panfilo Lacson. Hindi ako pro-Lacson at kung magkaroon ng presidential elections ngayon at kakandidato siya, hindi ko siya iboboto. Pardon my saying but frankly, nahihiwagaan ako sa pagkatao ni Senador Lacson.

Pero duda ako sa statement ni Rosebud. Bakit kapapangyari pa lang ng trahedya ay nagpa-interview na siya sa radyo at positibong itinuturo si Lacson na "utak" sa pagpaslang? Aniya may dokumento siya tungkol sa plano ni Lacson. Aber — pakilantad nga at nang makalaboso na ang Senador na ito. Wala yatang maipakitang pruweba si Rosebud tulad ng dati. Dapat manahimik na lang itong si Baby Tsina, o baka naiisip niyang nawawala na siya sa eksena kaya muling nagpapakontrobersyal?

Dating lovers sina Rosebud at Campos. Pero nagkasira ang dalawa at kasama ang pinaslang na opisyal sa mga idiniin ni Rosebud na sangkot sa pangangalakal ng droga kasama si Ping Lacson, kung inyong matatandaan. Ngunit ang lundo ng galit ni Rosebud ay kay Lacson. Bakit? Ito ba’y dahil sa lamangan sa partihan o may gumagamit kay Rosebud para i-demolish si Lacson? Sa kabila ng kanyang mga nagbabagang press statements at mga pagbubunyag sa Senado nung isang taon, wala pa ring naisasampang kaso laban kay Lacson. Ano ba ang kulang sa imbestigasyon at wala pang basehan ang pagsasampa ng asunto laban sa kanya? Dapat marahil ay matagal nang nasa kalaboso si Lacson. Kung may matibay na ebidensya laban sa Senador.

Sabi ni Rosebud, malamang siya na ang susunod sa hit list. Hindi malayong mangyari. Sa ambisyon ni Lacson sa 2004, malamang (God forbid) itutumba rin si Rosebud ng mga kalaban ni Lacson para ibintang ang krimen sa Senador. Puwede ring maging utak si Lacson sa pagpatay kay Rosebud para isigaw niyang ginigiba siya para matalo sa 2004 elections. In that case, Lacson will even draw public sympathy. At iyan ang magiging malalim na palaisipang sing-hiwaga ni Jack the Ripper.

BABY TSINA

BAKIT

DAPAT

JACK THE RIPPER

JOHN CAMPOS

LACSON

PERO

PING LACSON

ROSEBUD

SENADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with