^

PSN Opinyon

Revamp ni GMA Rigodon lamang?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
TINANGGAL na ni President Gloria Macapagal-Arroyo si Agriculture Sec. Leonardo Montemayor at Environment Sec. Heherson Alvarez. Ang ipinalit kay Montemayor ay si Luis ‘‘Cito’’ Lorenzo at kay Alvarez ay si Elisea Gozun.

Kung sabagay, matagal nang balita na talaga namang maaalis sa DENR si Alvarez sapagkat maraming galit at mga akusasyon. Noon pa rin naman balita na papalitan si Montemayor.

Susunod na rin daw papalitan ang ilan pang miyembro ng Gabinete sapagkat ang mga ito ay puro porma lamang ang ginagawa at talaga namang hindi nakakatulong sa administrasyon. Ang iba pa nga ay malimit palpak ang mga ideya at aksyon kung kaya’t lalong nababaon ang bansa sa halip na umangat.

Marami ang nagtatanong kung ano ang nagtulak kay GMA para magkaroon na ng revamp. Kasama na kaya sa revamp na ito ang mga tao ni GMA sa larangan ng Finance, Peace and Order, public utilities at services?

Sana ay hindi lamang dahil sa eleksyon sa 2004 kaya nagsisimula nang kumilos si GMA. Umaaksiyon siya dahil sa talagang nais niyang maisakatuparan ang hangarin niyang maging isang ‘‘strong republic’’ ang Pilipinas. Inihayag din ni GMA na maraming magaganap na mga bagay na makabubuti sa bansa sa loob ng anim na buwan. Too see is to believe.

AGRICULTURE SEC

ALVAREZ

CITO

ELISEA GOZUN

ENVIRONMENT SEC

HEHERSON ALVAREZ

LEONARDO MONTEMAYOR

MONTEMAYOR

PEACE AND ORDER

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with