^

PSN Opinyon

OFW gustong mag-loan sa Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay 10 taon nang nagtatrabaho dito sa Saudi Chemical Co. Ltd. bilang machine operator na sumasahod lamang ng minimum 900 riyals kada buwan. May nabili akong lupa na aking hinuhulugan. Nais na naming bumukod ng aking misis at nangangailangan kami ng malaking halaga na pampuno sa pambili ng lupa. Maaari ba akong mag-loan para sa pambayad ng lupa at pampagawa ng bahay. – Luisito Gantang, Riyadh, KSA


Upang ikaw ay maka-utang sa Pag-IBIG ng pambili mo ng lupa at pampagawa ng bahay, kinakailangan mong maging miyembro ng Pag-IBIG Overseas Program (POP). Para ikaw ay maging miyembro, kinakailangan mong pirmahan at isulat ang mga detalyeng hinihingi sa Membership Form. Ipadadala ko sa iyo ang Membership Form, kailangang dalawang kopya ang iyong lagdaan at lakipan ito ng dalawang 1 x 1 ID pictures. Pagtapos mong makumpleto ang detalye, ipadala mo ito sa iyong asawa at maaari niya itong dalhin sa Pag-IBIG POP Office sa 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Maaari rin silang tawagan sa 811-42-72 para sa ibang detalye. Ipadadala ko rin ang brochure ng Pag-IBIG POP para iyong mabasa.

Sa POP, maaaring mag-housing loan ang isang miyembro ng hanggang dalawang milyong piso. Ito ay maaring gamitin sa pagpapatayo ng bahay, pambili ng bahay at lupa. Kailangang nakapagbayad ka lamang ng halagang katumbas ng 12 buwang kontribusyon upang makautang. Ang halagang iyong mauutang ay mababayaran sa loob ng lima o 10 taon.
* * *
Sa mga katanungan ipadala ang inyong mga liham sa Office of the Chairman, HUDCC, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City.

DEAR SEC

FLOOR ATRIUM BLDG

FLOOR ATRIUM BUILDING

IPADADALA

LUISITO GANTANG

MAAARI

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MEMBERSHIP FORM

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with