^

PSN Opinyon

Sa ginawa ni Ping, labu-labo na sa oposisyon

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
INIHAYAG na ni Sen. Panfilo Lacson na kakandidato siya sa pagka-president sa 2004. Kakaunti ang nagulat sa balitang ito sapagkat noon pa man ay itinatago ni Ping ang hangarin niyang kumandidatong Presidente.

Ang paghahayag ni Ping ay umani ng sari-saring reaksiyon. Ang mga kakampi ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpahayag naman na ang Presidente pa rin ang mananalo kung ang halalan ay gaganapin ngayon sapagkat maganda nitong pinatatakbo ang pamahalaan.

Hindi naman naging maganda ang dating ng announcement ni Ping sa kanyang mga kasamahan sa oposisyon at iba pang grupo. Sinabi ni Minority Floor Leader Carlos Padilla ng House of Representatives at kasama ni Lacson sa Laban ng Demokratikong Pilipino na wala silang kinalaman sa pagpapahayag na ginawa ng Senador. Idinagdag pa ni Padilla na kung sila sa LDP ang tatanungin, nais nila na si Sen. Ed Angara o si FPJ ang maging standard bearer ng oposisyon.

Binanggit din ni Padilla na marami sa mga kasapi ng LDP na nagpapanukala na piliin si dating Education Sec. Raul Roco ng Aksyon Demokratiko bilang kanilang opisyal na kandidato. Kahit na ang samahan ng mga organisadong manggagawa at mga militanteng grupo ay hindi boto kay Ping. Naniniwala sila na dapat na magkaisa ang lahat ng mga partidong oposisyon at magkaroon lamang ng isang kandidato na galing sa kanila upang siyang lumaban kay GMA sa 2004.

Sa pagpapahayag ng kandidatura ni Ping, lumilitaw na malaki ang problema ng mga taga-oposisyon. Hindi nila malaman ngayon kung sino ang mangingibabaw na pipiliin nila bilang opisyal na ihaharap kay GMA. Si Ping ba, Angara, FPJ o Roco kaya? Baka ang manaig na naman ay ang crab mentality. Magsisiraan at maglalabu-labo.

AKSYON DEMOKRATIKO

DEMOKRATIKONG PILIPINO

ED ANGARA

EDUCATION SEC

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MINORITY FLOOR LEADER CARLOS PADILLA

PADILLA

PANFILO LACSON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with