Humanda kayo, Air Transportation Office!
November 11, 2002 | 12:00am
DEPARTMENT of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Leandro Mendoza, sa kolum na to ipinaabot namin sa inyo ang liham na to para sa iyong kaalaman.
Alam ng "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO" ang uri ng bangayan sa pagitan ng mga namumuno ng Air Transportation Office (ATO). Naniniwala ako na hanggat patuloy ang "bangayan" sa ATO walang patutunguhan ang tanggapang ito at tuloy-tuloy ang kanilang "plastikan" sa loob.
Inaasahan namin sa iyong tanggapan Secretary Leandro Mendoza may mangyayari. Itaga nyo sa bato nag-uumpisa na ang "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO" sa tulong ng aming surveillance undercover TV program sa BITAG, panghihimasukan na namin to.
Narito ang kabuuan ng liham na ipapabasa namin sa publiko.
Nais kong ipaabot sa kolum ninyo ang mga nangyayari sa Air Transportation Office (ATO).
Simula pa nang 1996, ang Technical Center ng ATO ay gumagawa na ng aparato para sa mga lumilipad na eroplano sa himpapawid sa buong Pilipinas.
Ito ay Non-Directional Beacon (NDB). Habang nasa itaas ang eroplano, itinuturo sa piloto kung saang direksiyon dapat siyang tumahak, sa kaliwa o kanang landas, o kaya kung siya ay lumampas na. Ang NDB ay inilalagay sa mga airport. Sa maikling salita, ang transmitter ay nasa airport at ang receiver ay nasa eroplano.
Dati-ratiy ang ATO ay kumukuha nito sa pamamagitan ng utang na dapat bayaran sa loob ng 25 years. Ang imported (NDB) ay may buhay lang ng 10 years, at pagkatapos ay wala ng spare parts na mabibili mula sa manufacturer.
Bibili na naman tayo ng bagong modelo, at patuloy na hinuhulugan ang bayad hanggang sa 25th year. Ang local made version nito ay nagagawa. Lahat na sangkap ay locally available materials. Ang halaga ng isang lokal na NDB ay P300,000. Samantala, ang imported na unit nito ay $60,000.
Mahigit nang 10 airport na ang nalagyan ng local version. May dalawa pang unit na yari na. At ang mga to ay nasa shop at hindi na inintindi ng kasalukuyang administration.
Ang Palanan Airport sa Palanan, Isabela, ay isa sa nangangailangan nito dahil may ilang beses nang nagkakaroon ng crash sa bundok na malapit dito imbes na makababa sa mismong paliparan.
Ang kasalukuyang hepe ng Tech Center ay nasa shop lang mula alas 8 hanggang alas 9 nang umaga. Maaaring hindi ito alam ng bagong Assistant Secretary, kaya napabayaan na ito.
Gusto ko po lamang na malaman ang tunay na dahilan sapagkat balita ko ay umutang na naman ang ATO ng isang imported unit upang ilagay sa Caticlan Airport gayung nagagawa na ng ating sariling tauhan. Huwag lang ninyong mabanggit ang aking pangalan.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended