^

PSN Opinyon

Ang 'firing' ng mga PNP official sa Classmate

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MARAMI na rin sa mga opisyales ng pulisya, lalo na ’yaong mga heneral na nakabase sa Camp Crame, ay mahilig mag-firing. Pero ayon sa balitang nakarating sa akin, hindi firing tulad na ginawa ang isang grupo ng opisyal kamakailan kung saan nanguna si Philippine National Police (PNP) chief Director General Hermogenes Ebdane Jr., ang kinahumalingan nila kundi sa ibang paraan naman. He-he-he! Tiyak na kapag nabasa ng mga asawa nila ang kolum kong ito, marami ang mag-aalburuto at sana ay hindi mauwi sa hiwalayan blues, di ba mga suki?

Marami kasi ang tumawag sa akin ukol sa ibinulgar kong illegal na operasyon ng Classmate noong nakaraang linggo. Tumpak daw ang pagkabulgar ko ukol sa operasyon ni Leo Ting subalit mayroon akong nakalimutan. At ’yan nga ay ang salitang firing, ang code ng mga opisyal ng pulis natin na mahilig dumayo sa Classmate.

Ang Classmate nightclub na matatagpuan sa Quezon Blvd., sa Quezon City ay dinadayo ng mga opisyales ng pulisya natin. Bakit nga ba hindi dudumugin ang puwesto ni Ting eh libreng toma sila roon. Sino ba ang tatanggi sa grasya, di ba mga suki?

Karamihan sa mga nagbababad sa Classmate ay taga-Crame lalo na ’yaong may asim ang mga opisina. Itanong n’yo ’yan kay Chief Supt. Eduardo Matillano, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at sigurado akong alam niya. Pero kung libre sa inumin at pulutan ang mga opisyales ng pulisya natin sa Classmate, hindi puwede ito sa mga babaing naka-display doon sa isang showroom. Ika nga papasok pa sa eskuwela ang mga magagandang babae roon kaya’t kailangan din nila ng pabaon. Kaya hindi puwedeng TY ang mga panlaban ng Classmate.

Sinabi ng mga tumawag sa akin na talagang P2,000 ang presyo ng mga babae ni Ting. At kapag nagkasundo na sila ng kanilang mga customer, puwede na sa isang bakanteng cubicle at presto isang oras na kaligayahan ang kapalit. He-he-he! Kapag lumampas ka at gusto mo pa, aba panibagong P2,000 uli.

Pero kapag ang mga opisyales ng pulisya pala ang kumuha ng serbisyo ng kababaihan doon ganoon na rin ang bayad. Ang kaibahan lang, ayon sa mga tumawag sa akin, matapos magkasundo ang magkabilang panig ang code word na binabanggit ay ang salitang firing. Puwede nang mag-firing, ’yan ang katagang kadalasang namumutawi sa bibig ng mga opisyal ng pulisya natin.

Kaya kayong mga misis diyan kapag nakarinig kayo ng salitang firing sa mga asawa n’yong pulis, mag-isip kayo nang malalim. Baka hindi sa firing range ang tinutukoy nila kundi ang ‘‘firing’’ sa Classmate. He-he-he! Kapag madalas kayong madiyeta, ibig sabihin niyan napaglalangan na naman kayo, di ba mga suki?

ANG CLASSMATE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CLASSMATE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

EDUARDO MATILLANO

FIRING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with