May-ari ng Mayfer Club nag-abot ng P80-T kay SPO4 Art Cabatic
November 4, 2002 | 12:00am
MATAGUMPAY na ni-raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG Field Office South) noong Oct. 21 ang Myfer Club na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA International Complex sa Pasay City. Subalit ang raid na nauwi sa pagkaaresto ng maraming kababaihan, karamihan dito ay menor de edad, ay nag-iwan ng maraming katanungan na dapat lang sagutin ni Maj. Ronnie Olay, hepe ng CIDG Field Office South para maliwanagan ang sambayanan.
Ang unang tanong ng mga pulis na nakausap ko ay ang paglabag ng CIDG Field Office ng standing order ni Chief Supt. Jose Gutierrez, hepe ng Southern Police District (SPD) na ang lahat na raid sa mga nightclub sa kanyang sakop ay dapat sasamahan ng mga operatiba ng Womens Desk. At kasama ang CIDG sa standing order ni Gutierrez kahit na ibang unit sila ng pulisya. Ang pangunahing layunin ni Gutierrez sa kautusan niya ay para hindi maakusahan ang mga pulis na nagri-raid na pera-pera lang ang lakad nila. Aba may katwiran dito si General Gutierrez, diba mga suki?
Ang nanguna pala sa raid, ayon pa sa mga pulis, ay ang bagman ni Olay na si SPO4 Art Cabatic. Hinila ng mga raiders ang mga kababaihan sa kanilang headquarters sa Fort Bonifacio kung saan nagkaroon ng mahabang negosasyon. Totoo ba na pinauwi ang mga naarestong babae matapos mag-abot ng halagang P80,000 ang may-ari ng Myfer kay Cabatic? Kasi, sa totoo lang hindi naman sinampahan ng kaso ang Myfer at sa katunayan tuloy na naman ang kanilang operasyon. He-he-he! Walang baho na hindi nabubulgar.
Kung sabagay, tahimik lang si Major Olay dahil sobra talagang malaki siguro kung mag-akyat ng pera si Cabatic, ayon pa sa mga pulis. Isa-isahin natin ang mga ginagamit na kolektor ni Cabatic para makarating sa kaalaman ni Chief Supt. Eduardo Matillano, hepe ng CIDG. Di ba padrino ni Cabatic itong si Matillano?
Kung ang mga pulis na nakausap ko ang paniniwalaan, patong din si Cabatic sa dating pulis Las Piñas na si Oscar San Pedro na kumakaskas ng jueteng sa Parañaque City. Kung minsan, dinadala ni San Pedro ang kanyang kubransa sa Cavite. Sa kasalukuyan, kinakaskas ni San Pedro ang jueteng niya sa lugar na tinatawag na Kabaongan dahil malapit ito sa isang punerarya. Ayon sa mga pulis, P2,000 kada linggo ang intelihensiya ni San Pedro sa CIDG Field Office South.
Sa Las Piñas naman, nagsarang bigla ang jueteng operation ni Nanette Tamayo. Nakagawa na kasi si Supt. Armando Pineda, hepe ng Las Piñas police ng resolution na jueteng-free ang kanyang sinasakupan kaya napilitang magsara si Tamayo. Nagpadala pa ito ng feelers na susuko siya kay Gutierrez. Nawalan naman ng P3,000 ang CIDG Field Office nang magsara si Tamayo. Ang tanong ngayon, paano natin sasabihin na may pagbabago ang ating kapulisan kung itong si Olay pala ay dahan-dahan na rin na nalulunod sa kumunoy?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest