^

PSN Opinyon

Nasa sementeryo ka ba ngayong gabi?

SAPOL - Jarius Bondoc -
HABANG nagbibilot ka ng tulo ng kandila ngayong gabi sa sementeryo, tingnan mong mabuti kung sino ang nasa likod mo. Baka si ... BULAGA. Nagulat ka ba? Ang hilig kong manakot ng kuwentong-multo sa Undas.

May naalala akong bumabagyong gabi. Kumakaskas sa madulas na highway ang kotse ng lalaking malapit nang ikasal. Binuwal ng kidlat ang isang puno. Iniwasan ng lalaki pero nahulog siya sa bangin. Boom! Sumabog ang kotse.

Samantala, walang malay sa sakuna ang kasintahan. Nasa luma’t malaking bahay siya nang bumabagyo. Palipas-oras, sinukat niya ang bestidang pangkasal. Sinaway siya ng yaya na malas ‘yon. Baka may masamang mangyari. Inirapan niya lang ito at pinaalis sa kuwarto.

Nakaharap ang dalaga sa salamin nang namalayan niyang unti-unting bumukas ang pinto ng silid. Pag-ikot niya, laking gulat niya na nandoon sa kuwarto ang nobyo.

"O, bakit nandito ka sa ganitong oras ng gabi, bumabagyo pa man din?" nagtataka ang dalaga.

Hindi sumagot ang lalaki. Nakatitig lang sa kanya. Umihip ang malakas na hangin sa bintana at sumayaw ang kurtina. May umiyak na aso sa labas. Tumayo ang balahibo ng dalaga.

"Ano ang nangyari sa iyo?" hingi ng dalaga ng paliwanag. "Bakit gusot-gusot ang kamisedentro mo at putikan ‘yang pantalon mo?"

Hindi pa rin sumagot ang lalaki. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kasintahan. Lalong bumuga ang hangin. Lumakas ang halinghing ng aso sa labas, "Awooo-wo-wo-werrr!"

Napansin ng dalaga ng puro langis at grasa ang mukha ng lalaki. "O, bakit ang kintab ng noo mo?" gulat siya.

Dahan-dahan inangat ng lalaki ang kamay at tinuro ang sariling noo. Sabay sabi, "Siyempre naman, sir, Johnson yata ‘yan."
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ABANGAN

ANO

AWOOO

BAKIT

BINUWAL

DAHAN

INIRAPAN

INIWASAN

JARIUS BONDOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with