Nakuryente si Enrile
October 24, 2002 | 12:00am
HINDI estupido ang Senado. Pero with due respect to ex-senator Juan Ponce Enrile, ang mga isiniwalat niya sa Senado ay kulang sa detalyet pananaliksik. To use the journalist parlance "kuryenteng" impormasyon.
"Overpricing conspiracy" ng Meralco at sister company nito ang First Gas na isang independent power producer ang ibinunyag ni Enrile.
Nagbayad daw ang Meralco ng P14.7 bilyon sa First Gas para sa elektrisidad na "hindi nai-deliver", at ang siningil ay consumers. Wala raw naibigay na elektrisidad ang First Gas dahil "non-operational".
Dumalo sa hearing ng public service committee ng Senado ang mga executives ng Meralco at First Gas. Itinuwid ang salaysay ni Enrile at mukhang kumbinsido naman ang mga Senador.
Ipinagwagwagan ni Enrile ang mga "dokumento" para patunayan kuno ang puntos niya. Pero ang mga Senador sa tabi niya tulad nina Joker Arroyo (nagtakip pa ng ilong na tila nakaamoy ng mabantot), Ralph Recto at Serge Osmeña ay anyong inaantok sa larawang nalathala sa pahayagan.
To cut the long story short, maling-mali ang alegasyon ni Enrile. Mula Disyembre 2001 hanggang Disyembre 2002, operational na ang Sta. Rita Plant ng First Gas at nakapag-deliver ng 921 million KWH ng kuryente.
Kung nagsiyasat muna si Enrile, malalaman niya na ang lahat ng delivery ay ipinadaan ng Sta. Rita Plant sa NAPOCOR. Ganyan ang nakasaad sa letter of agreement ng Meralco at NAPOCOR. Ang kasunduang iyan ay isang public record na puwedeng bulatlatin. Kaya ang power output ng Sta. Rita ay lumilitaw na delivery ng NAPOCOR. Sa unang tingin, parang walang nai-deliver ang First Gas.
And thats the whole story that is both literally ang figuratively "kuryente."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest