Si Mang Primo at ang paboritong tuba
October 15, 2002 | 12:00am
HINDI naman lasenggero si Mang Primo pero nakagawian na niyang uminom ng tuba tuwing umaga. Pero kahit umiinom kaya naman nitong dalhin ang sarili. Hindi man lamang ito nakitang pasuray-suray. Kapag nalasing ay natutulog na lamang ito.
Minsan isang umaga ay naratnan kong umiinom si Mang Primo.
Tagay muna Doktor, yaya ni Mang Primo.
Tumanggi ako at nagdahilan na meron akong ulser. Hindi naman siya nagpumilit. Habang umiinom ay nakikipagkuwentuhan ako. Makuwento si Mang Primo kapag nalalasing.
Nakagagamot nga ba ang tuba Doktor?"
Kailangan kong maging maingat sa pagsagot dahil nakikinig sa amin ang ilang kabataan. Sa tamang dami, nakapagbibigay ng sigla sa may sakit. Pero pagsobra ito ay lason.
Ang alam ko Doktor, gamot ang tuba sa mga bulate sa ating katawan."
Nalalasing siguro ang bulate? biro ko sa kanya.
Hindi Doktor, dahil sa kulay ng tuba na galing sa balat ng kahoy, sabi ni Mang Primo.
Sa kalaunan ay napatunayan kong totoo ang sinabi ni Mang Primo tungkol sa epekto ng balat ng kahoy na inilalagay sa tuba. Ito ay tinatawag na tangal. Galing ito sa bakawan at may scientific name na rhizophox conjugata linn.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest