^

PSN Opinyon

Mayora sinabunutan at kinalmot ng konsehala

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagsabunutan ang isang mayora at isang konsehala sa harapan ng kanilang munisipyo?

Ayon sa aking bubuwit, 86 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Mr. Joy Sonza ng Tapatan; Bgy. Capt. Jose Encarnacion mula kay Mayor Roy Loyola ng Carmona, Cavite at Erven Patron from Daddy Francis.
* * *
Alam n’yo bang nagsabunutan ang isang mayora at isang konsehala sa harapan ng maraming tao sa munisipyo?

Ayon sa aking bubuwit, matagal na palang may hidwaan ang dalawang opisyal ng isang bayan sa Central Luzon.

Magkaiba kasi ng partido sina Mayora at Konsehala. Simula pa noong nakalipas na eleksiyon ay meron na silang namumuong alitan dahil sa pulitika. Dahil nga sa kanilang hidwaan ay parati umanong hinihiya ni Mayora ang Konsehala.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kahit maraming beses nang hinihiya ni Mayora si Konsehala, pinapalampas lamang ito ng huli dahil siyempre pinuno yata ng bayan ang kalaban.

Minsan nga ay hiyang-hiya itong si Konsehala sa isang medical mission ng mga local officials.

Kasi, nang makita ni Mayora ang konsehala roon ay sinabihan ba naman nang…

‘‘Ano bang ginagawa mo rito, hindi ka naman kailangan dito.’’ Bagamat napahiya ang konsehala dahil marami ang nakarinig at nakasaksi sa ginawa ni Mayora, hindi na lamang umimik.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, noong September 25, 2002 ay meron na namang patutsada si Mayora kay Konsehala.

Dahil dito’y nagalit si Konsehala at sinugod si Mayor. Sa harap nang maraming tao ay sinabunutan ni Konsehala si Mayora.

Gumanti rin si Mayora. Nagsabunutan, kalmutan at sipaan sila sa harap ng munisipyo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, naagrabyado si Mayora sa nangyaring away. May mga kalmot siya sa mukha. Mas marami ang kanyang mga tama mula kay Konsehala.

Mas bata kasi si Konsehala, mga 40-anyos lang samantalang si Mayora ay medyo matanda na.

Ayon sa aking bubuwit, ang konsehalang sumabunot sa mayora ay walang iba kundi si Konsehala C as in Calmot. At ang mayora naman na na-agrabyado sa sabunutan blues ay si Mayora B. as in Bugbog.

vuukle comment

AYON

CENTER

CENTRAL LUZON

DADDY FRANCIS

DAHIL

ERVEN PATRON

KONSEHALA

MAYORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with