Barangay Chairman Martin Diño: Laban sa illegal na droga
September 29, 2002 | 12:00am
DAHIL sa pagkalat ng bawal na droga marami nang buhay ang nasayang. Nararapat magkaroon ng kamay na bakal ang pamahalaan laban sa mga drug traffickers.
Noong nakaraang Linggo, naging biktima ng karahasan si Barangay Chairman Martin Diño, matapos paluin ng tubo ng nakababatang kapatid na si Simplicio. Pinuntahan ni Martin si Simplicio at sinita sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar. Nahuli ni Martin ang kapatid sa isang drug session kasama ang iba pang drug users. Nang tangkain niyang dalhin si Simplicio sa pulisya, nanlaban ito at pinalo siya ng tubo. Tumakas si Simplicio.
Ang nangyari kay Martin ay pagpapatotoo na ang problema ng droga sa bansa ay malala na at sakit ng ulo sa pamahalaan. Kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang kampanya para masugpo ang salot ng lipunan.
Sa kabilang dako, katangi-tangi naman ang ipinakita ni Martin na paghuli sa kanyang kapatid. Ang kanyang ipinakita ay pagsasalamin ng kanyang mga prinsipyo laban sa kasamaan sa lipunan. Mabuhay ka, Chairman Diño!
Para sa mga katanungan o mga hinaing iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21, Telefax no. 5256277.
Noong nakaraang Linggo, naging biktima ng karahasan si Barangay Chairman Martin Diño, matapos paluin ng tubo ng nakababatang kapatid na si Simplicio. Pinuntahan ni Martin si Simplicio at sinita sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar. Nahuli ni Martin ang kapatid sa isang drug session kasama ang iba pang drug users. Nang tangkain niyang dalhin si Simplicio sa pulisya, nanlaban ito at pinalo siya ng tubo. Tumakas si Simplicio.
Ang nangyari kay Martin ay pagpapatotoo na ang problema ng droga sa bansa ay malala na at sakit ng ulo sa pamahalaan. Kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang kampanya para masugpo ang salot ng lipunan.
Sa kabilang dako, katangi-tangi naman ang ipinakita ni Martin na paghuli sa kanyang kapatid. Ang kanyang ipinakita ay pagsasalamin ng kanyang mga prinsipyo laban sa kasamaan sa lipunan. Mabuhay ka, Chairman Diño!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest