Maj. Ronald Olay,sibakin mo si SPO4 Cabatic para respetuhin ka
September 25, 2002 | 12:00am
KUNG itong sunud-sunod at matagumpay na raid sa mga pasugalan ng pulisya ang gagawing basehan, mukhang hindi totoo ang ipinagyayabang ni Interior Secretary Joey Lina na halos 34 porsiyento na lamang ang kubransa sa jueteng sa buong bansa. Kasi nga nitong mga nagdaang araw, masigasig na nang-raid ng pasugalan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at halos 78 katao nga ang kanilang naaresto sa Nueva Ecija, Bulacan at Rizal. Ibig sabihin niyan malaganap pa ang jueteng taliwas sa ipinagyayabang ni Lina.
Ang pinakamalaking naaresto ay 60 katao sa isang raid na isinagawa ng puwersa nina Sen. Supt. Cipriano Querol Jr., ang hepe ng Detective and Special Operations Division (DSOD) ng CIDG at Sen. Supt. Louie Palmera, ang bagong upong director ng Nueva Ecija sa San Jose City. Nakakumpiska rin ng P30,000 cash bets ang grupo nina Querol at Palmera sa mga naarestong jueteng personnel. Kung nakaaresto pa ng 60 katao ang pulisya sa isang jueteng den ibig sabihin niyan Secretary Lina malakas pa ang jueteng sa probinsiya. Nasaan na si Chief Supt. Oscar Calderon, ang hepe ng Central Luzon police, na nagyayabang na jueteng-free na ang kanyang lugar? Isang malaking sampal ito sa kanya, di ba mga suki? He-he-he! Panay dakdak kasi kayo Sir.
Ang mga raid ay iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane kay Chief Supt. Eduardo Matillano ng CIDG matapos mapika sa mga report ng regional at provincial directors sa kanya. Ayon sa mga police regional at provincial directors wala nang jueteng sa kani-kanilang lugar at kung saan meron man ay gerilya na ang operasyon nila. Alam ni Ebdane na nagsisinungaling ang kanyang mga tauhan kayat minabuti niyang si Matillano na ang mamuno sa anti-jueteng campaign niya. Ang ipinagtataka ng marami eh bakit biglang tahimik na ang Task Force Jericho, ang operating arm ni Lina, laban sa jueteng nitong nagdaang mga araw. Ayos na ba sila? Tanong ng mga pulis na nakausap ko. Alam ni Atty. Morga yan, ang sabi pa nila.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan nina Querol at Palmera kung sino ang financier ng malakihang pa-jueteng sa San Jose City. Pero ayon kay Munte Kabate, lokal manager ng palaruan, ang naturang jueteng joint ay minimintina ng isang opisyal ng gobyerno sa probinsiya. Ano ba yan?
At habang abala itong mga tauhan ni Matillano sa panghuhuli ng jueteng sa probinsiya, iba naman ang pinagkaabalahan ng mga tauhan ni Maj. Ronald Olay, hepe ng CIDG Field Office South. Hindi sila nanghuhuli ng pasugalan at putahan kundi nagpapadoble pa ng lingguhang intelihensiya. Para sa kaalaman ni Gen. Matillano, ang bagman ni Olay ay si SPO4 Art Cabatic, ayon sa mga pulis na nakausap ko.
Matibay ang dibdib nitong si Cabatic kung ilegalista ang kaharap niya. Pero sunud-sunod ang kidnapping diyan sa area nila pero may nagawa ba itong sina Olay at Cabatic? Tanong pa ng mga pulis. Baka gusto lang yumaman nitong sina Olay at Cabatic sa panahon ni Ebdane, dagdag pa nila. Sibakin mo na si Cabatic Major Olay kung gusto mo pang magkaroon ng respeto ang sambayanan sa pangalan mo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended