Editoryal - Maraming batang Pinoy ang malnourished
September 20, 2002 | 12:00am
NAKAAALARMA ang report ng World Food Summit na ginanap sa Rome kamakailan, may 8.5 milyong batang Pilipino ang malnourished. Ayon sa report, karamihan sa mga malnourished ay mga school children. Maraming batang mag-aaral ang kulang na lamang sabihin na nagugutom at siguroy pumapasok sa school na walang laman ang sikmura.
Maging si Sen. Edgardo Angara ng oposisyon ay natigatig sa report ng summit. Hindi ito dapat ipagwalambahala. Ayon kay Angara, ang problemang ito ng mga bata ay dapat mapagtuunan ng pamahalaan. Sinabi niyang ang Department of Education (DepEd) ang may malaking responsibilidad sa problemang ito. Ayon kay Angara, dapat kumilos si DepEd Sec. Edilberto de Jesus upang masagip ang mga batang nagdaranas ng malnurition. Kapag hindi naagapan ang mga bata ngayon, ang mga susunod na henerasyon ay mga under-performer. Malaki ang bahagi ng education upang mailigtas ang mga school children sa pagiging malnourished.
Ang kahirapan sa bansang ito ay wala pang kalutasan. Kahit na ilang Presidente na ang nangako na iaangat ang buhay ng mahihirap, ang mga pangako ay nakapako. Hindi kataka-taka na lumobo ang mga batang payat at malalaki ang tiyan sa bansang ito. Ang kalagayan ng mga mahihirap ay napababayaan sapagkat mas binibigyang importansiya ng mga namumuno ang kanilang sariling interes. Isang masamang bunga ng grabeng pulitikang namamayani sa bansang ito. Ang paglilingkod sa mga kapus-palad ay hindi sapat.
Dito sa Metro Manila na lamang ay makikita ang mga batang payat at malalaki ang tiyan na naghambalang sa mga bangketa at nagpapalimos. Parang mga kabute sila na nagsulputan sa maraming panig ng Kamaynilaan. Karamihan sa kanila ay nalululong sa pagsinghot ng rugby isang paraan para malimutan nila ang gutom.
Marami pang mga batang payat at malalaki ang tiyan sa mga liblib na barangay sa bansa. Mas kawawa sila sapagkat hindi nakatitikim ng awa at tulong buhat sa mga nakaluklok sa puwesto. Marami sa mga bata ang namamatay na hindi na nakatitikim ng gamot dahil sa kahirapan ng buhay.
Hindi lamang ang DepEd gaya ng sinabi ni Angara ang dapat kumilos sa pagsagip sa mga batang malnourished kundi siyemprey ang gaya rin niyang mambabatas na dapat lumikha ng batas para mapigilan ang paglaganap ng malnutrition. Sila ang dapat pumukpok sa pamahalaan para ipaalala ang nakaliligtaang tungkulin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest