^

PSN Opinyon

Saklolohan ang mga rape victim sa Malaysia

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
NAGING laman ng mga pahayagan ang mass deportation ng ating mga kababayan sa Malaysia, na naging maselang usapin para sa pamahalaan. Ngunit ang malungkot ay ang naglabasang balita ng pang-aabuso ng Malaysian police sa mga Pinay habang nakapiit sa Sabah.

Lalong tumindi ang sentimiyento ng ating mga kababayan nang lumabas na marami pang mga menor de edad ang ni-rape ng ilang Malaysian police.

Ang pangyayari ay dapat magbunsod sa pamahalaan para isulong ang kampanya nito laban sa krimen at mga pang-aabuso sa mga kababaihan lalo pa ang masaklap na pangyayari sa Malaysia. Ang pagbubulgar ng mga ni-rape na Pinay ay isang pagpapahiwatig na ang hustiya sa ating lipunan ay buhay, at may pag-asa pang magkaroon ng pagbabago sa justice system. Sa pagbubulgar, maaaring magtulung-tulong ang lahat o makipagtulungan sa kinauukulan.

Isa ang VACC sa mga gumagawa ng hakbang para sa mga kababayan nating inapi sa Malaysia. Nakipag-ugnayan na kami sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ) tungkol sa mga hakbang na maaring gawin upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga biktima sa Malaysia.

Layunin ng VACC, sa tulong nina DSWD Sec. Dinky Soliman, at Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na mabigyan ng tulong ang mga biktima para makamit ang hustisya.

Naghihintay ng tulong ang mga biktima. Huwag naman sanang mauwi sa kabiguan ang paghahanap nila ng hustisya laban sa mga mapang-aping Malaysians.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINKY SOLIMAN

HUWAG

ISA

LALONG

PERSIDA ACOSTA

PINAY

PUBLIC ATTORNEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with