^

PSN Opinyon

Matapat na kaibigan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo ngayon, nagbibigay ng payo si Jesus sa mga taong lumalapit sa Kanya. Ito’y mga kongkreto at matinding mga aral. Mainam na pag-aralan natin kung paanong gumawi nang tama (Lk. 6:39-42.)

‘‘Tinanong sila ni Jesus na patalinghaga: ‘‘Maaari bang akayin ng isang bulag ang isa pa ring bulag? Kapag ganoon ang kanyang ginawa, kapwa sila mahuhulog sa hukay. Walang alagad ang mas hihigit pa kaysa sa kanyang guro: Subalit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

‘‘Bakit ninyo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid, subalit hindi mo nakikita ang tahilan sa iyong sariling mata? Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’’ datapwat hindi mo makita ang tahilan sa sarili mong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa inyong sariling mata, at malinaw kang makakakita upang alisin ang puwing sa mata ng iyong kapatid.’’


Malinaw na ang isang bulag ay hindi maaaring umakay sa isa pang bulag. Ang isang taong may paningin ang maaaring makagawa ng gayon. Hindi tayo maaaring magpanggap na sabihin kaninuman ang daan kung di-natin alam kung nasaan ang lugar o daraanan. Pinatingkad ni Jesus ang talinghaga upang maging malinaw ang aral o leksiyon.

Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad na dapat nilang iwasan ang maging mayabang kapag tinutuwid nila ang mga kakulangan ng iba. Muli may ekseherasyong ginamit: Isang tao na nakakakita sa isang maliit na puwing sa mata ng kanyang kapatid, samantalang ang isang tahilan na tumatakip sa kanyang sariling mata ay hindi makita. Sa ibang salita, ang isa’y hindi dapat magtuwid ng maliit na pagkakamali ng kapwa samantalang ang sarili niyang mas malaking pagkakamali ay hindi niya maituwid.

Ituwid muna ninyo ang inyong sariling mas malalaking pagkakamali bago ninyo sabihin sa iba ang kanilang mas maliit na pagkakamali. Si Jesus ay makatwiran at napakahusay na guro.

ALISIN

BAKIT

EBANGHELYO

ISANG

ITUWID

KANYA

MATA

SI JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with