^

PSN Opinyon

Puwede na 'yan

SAPOL - Jarius Bondoc -
NANG kumuha ka ng driver’s license, napansin mo ba’ng pawarde-warde ang drug test? Hiningan ka ng urine sample, tapos tinanong kung ano ang height, weight at grado ng mata mo. Hindi sila ang sumukat nito. Umasa lang sa sagot mo. Kung nagbulaan ka, inaccurate na ang LTO records. Kung makasagasa ka at hina-hunting, malilito ang pulis.

Pinalusot mo ba ang remedyo sa preno ng kotse mo? Imbis na palitan ang piyesang may tagas ng brake fluid, nagkuripot ka ba at pinasalpak muli ito? Kumpiyansa ka ba na habang bumibiyahe ay hindi mawawalan ng preno? O sinasapalaran mo ba ang buhay mo?

Masamang ugali ng Pilipino ang "puwede na ‘yan." Sa ngalan ng pagtitipid o pagmamadali o pagpapasensiya, sinasakripisyo natin ang kalidad ng trabaho. Ang nangyayari’y kapabayaan. Kaya dose-dosena ang namamatay sa sunog, daan-daan ang nalulunod sa sakunang-dagat. Sanhi ng ugaling puwede na ang kulang na fire exits o life boats.

Lalo kung hindi buhay ng tao ang katapat, pabaya ang Pilipino. Sa maraming opisina, asal ng empleyado na puwede na ang low-quality na ginawa niya sa maghapon. Katuwiran niya ay susuweldo naman siya sa katapusan ng buwan. Puwede na rin sa boss miski maraming mali, kasi nagmamadali. At dahil nasanay sila sa gan’un, nare-reject tuloy ng buyer ang produkto. Nalulugi sila. Tapos, inis pa sa buyer; kesyo sobrang selan.

Sa Germany, ugali na i-perfect ang trabaho. Maging sa homework ng schoolboy hanggang sa pagbuo ng Mercedes Benz, sinisikap na tama lahat. Sa Finland, hindi lang sa trabaho kundi pati sa disenyo, sinisikap na akma lahat. Sa Japan, para walang mali, naka-manual lahat ng kilos. Bahagi ng kultura nila ang excellence. Kaya maunlad ang ekonomiya.

Sana matuto rin tayo ng excellence sa lahat ng gawain, mula paghugas ng pinggan hanggang pag-repair ng computers. Kapag inugali natin ‘yon, makagagawa na rin tayo ng dishwashers at rocket ships.

O, sabay-sabay nating isigaw, "Di puwede ang puwede na ‘yan." Ang hina naman. Ang tamlay. Parang hindi buo ang loob. Isa pa muli. Ayaw n’yo na? Sige na nga, puwede na ‘yan.

AYAW

BAHAGI

HININGAN

KAYA

MERCEDES BENZ

PILIPINO

PUWEDE

SA FINLAND

SA GERMANY

SA JAPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with