Ang talinghaga ng pinakamarunong na aso
August 17, 2002 | 12:00am
ANG apat na magsasaka ay nagpapayabangan tungkol sa kanilang alagang aso.
Sabi ng unang magsasaka, Ang asong ito ay regalo ng aking pinsan. Galing ito sa France. Ang pangalan niya ay Fifi. Nauutusan ko siyang bumili ng alak. Maaari ko ring sabihin kung anong uri ng alak ang gusto ko.
Utusan mo siyang bumili ng tuba, sigaw ng mga manonood.
Agad tumakbo si Fifi patungo sa tindahan at mabilis na bumalik dala ang bote ng tuba.
Hindi nagpatalo ang ikalawang magsasaka. Ang aso kong si Perrito ay mula sa Mexico. Nauutusan ko siyang kumuha ng pulutan.
Tumakbo si Perrito sa palengke at nang bumalik ay may dalang isang supot ng sitsarong baboy.
Kakaiba! bulalas ng mga manonood.
Sabi ng ikatlong magsasaka. Ang aking aso ay galing Amerika. Ang tawag ko sa kanya ay Snoopy. Uutusan ko siyang kumuha ng plato at baso.
Agad na umalis si Snoopy at bumalik dala ang plato at baso.
Nagpalakpakan ang mga manonood.
Kakaiba ang aking aso, sabi naman ng ikaapat na magsasaka. Ang tawag ko sa kanya ay Bantay. Hindi siya magaling sa pagkuha ng mga bagay pero mahusay siya sa ibang paraan. Sige Bantay, gawin mo na ang trabaho mo.
Kinuha ni Bantay ang plato at baso. Inilagay nito ang sitsaron sa plato at ibinuhos ang tuba sa baso. Kinain ni Bantay ang pulutan at uminom ng tuba.
Matapos iyon, nag-submit ng sick leave si Bantay at nagbakasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended