SONA ni GMA parang sonata?
July 25, 2002 | 12:00am
SARI-SARI ang naging reaksyon sa State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes. Sa mga kakampi at mga nakikinabang sa administrasyon, maganda at magaling ang SONA ni GMA. Subalit ang oposisyon at mga kritiko, kasama na ang mga militanteng grupo at ang mga hindi nauulanan ng grasya ay hindi bilib sa mga inilahad ni GMA. Anila, lumang tugtugin na raw ito na parang isang sonata.
Mayroon din namang mga kababayan natin na dedma lamang at walang pakialam sa mga pinagsasabi ni GMA sa kanyang SONA. Sabi nila ay sawang-sawa na sila sa mga daldalan at pa-cute na karaniwan nang nilalaman ng mga dating SONA. Ang inaasahan na lang nila ay aksyon at mga positibong resulta. Kung sabagay, hindi natin masisisi kung ganito ang kanilang maging damdamin sa bagay na ito.
May paniwala ako na ginagawa ni GMA ang kanyang makakaya upang bumuti ang kalagayan ng ating bansa. Kaya lang, sobra talaga ang pulitika dito sa atin. Siya mismo ay hindi makaiwas sa pamumulitika sapagkat marami ang gusto niyang tanawin ng utang-na-loob sa pagkakaupo niya bilang Presidente. Di nga ba maliwanag na kaya siya inaatake ngayon ng ilang grupo ay nang dahil sa hindi nabibiyayaan ni GMA ng posisyon at pabor ang mga ito?
Isa pa, maliwanag pa sa buwan ang hangarin ng Presidente na tumakbo sa 2004 elections. Siyempre, makakawala ka ba sa pangil ng pulitika kung ang iyong paningin ay nakatuon sa susunod na eleksyon. Di ba natural lamang na mamulitika ka? Alam naman natin kung papaano ang pulitika dito sa atin. Ligawan, papogihan, gimik dito, gimik doon. Pati dating mga kalaban ay hinahatak nang para dumami ang mga kaalyado at kakampi.
Kung ako si Presidente Arroyo, tira na lang ako nang tira, gagawin ko ang lahat ng inaakala kong makakabuti sa ating bayan at mga mamamayan. Sa aking makakaya, reresolbahin ko ang mga pangunahing problema ng bansa na katulad ng kahirapan, ibat ibang uri ng kriminalidad lalung-lalo na ang kidnapping, drugs at illegal gambling, etcetera. Nasisiguro ko na kapag ganito ang ginawa ni GMA, maluluklok siyang muli bilang Presidente sa 2004 nang dahil sa kanyang sariling sikap at magaling na panunungkulan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest