Kumilos ka pa
July 16, 2002 | 12:00am
ORDINARYO na sa PNP ang nangyari kina Supt. Valentin Santacera, Chief Insp. Eddie Arajil, SPO2 Romeo Pascual at Pedro Bernabe, SPO1 Rolando Cristobal, at PO2 Edgar Lopez at James Bugho. Inutusan nung Abril ni Quezon City police chief Rodolfo Tor ang pitong pulis-Lagro na tumulong sa demolition ng squatter shanties sa lupa ng isang arkitekto. Inaresto nila ang tatlong nanlaban sa demolition. Kamala-mala mo, sa demanda ng isa sa inaresto, sinuspindi sila nung Biyernes ng nakatataas ng NCR-Police Office.
Wala itong pinagkaiba sa nangyari sa anti-narcotics squad nung 2000 na tumimbog sa anak ng senador sa buy-bust. Tumakbo ang suspect sa kotse. Hinabol nilat inaresto. Sa huli, sila pa ang sinabon ng hepe nila dahil sa sigasig sa trabaho. Bakit daw kinatalo ang isang tao na maaaring bumoto laban sa PNP budget. Ganun pa rin ang sinapit ng sumita sa anak ng Cabinet member na nahuli rin sa aktong umiiskor ng shabu.
Araw-araw, nasasabon at nadidisiplina ang mga pulis dahil lang sa ginagawa ang trabaho. Sa routine patrol man o special cops, nasusubo na ang buhay ng pulis. Lalo pa silang napapasubo kapag aroganteng opisyal o newsman o kamag-anak ng bigshot ang nakatapat. Isang sumbong lang sa hepe, blackeye na sila at black record pa.
Kung ganyan nang ganyan, papano pa kikilos ang pulis? Papano pa sila gaganahan sa trabaho?
Meron talagang pulis na abusadot utak-kriminal. Nagbubuhat agad ng kamay sa maselang operation o kayay nagpa-plant ng shabu para mangikil. Pero konti lang yon. At kapag natuklasan ng matitinong pulis, agad nilang tinutugis ang mga kasamang sumisira sa imahe nila.
Yung mga masigasig sa trabaho, hindi dapat sabon o suspensiyon ang katapat. Citation ang sagot lalo na kung malaking tao ang natapakan. Para nga naman patuloy ang sigasig at pamarisan ng rookies.
Dati na itong prinsipyo sa pamumuno. Ang mga sinaunang hari at heneral, pinararangalan ang mga mahuhusay na sundalo. Matuto sana ang PNP sa kasaysayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest