^

PSN Opinyon

Editoryal - Ang mahal na tubig

-
ALA-Meralco na rin na may purchased power adjusment (PPA) ang dalawang water concessionaires. Sa isang buwan ay nakatakdang magtaas ng kanilang singil ang Maynilad Water Services Inc. (MWSI) at Manila Water Co. (MWC). Hindi pa natatagalan mula nang magtaas ng singil ang dalawang kompanya at eto na naman ang panibagong pasanin. Kung hindi magkakaroon ng mabisang paraan ang Metropolitan Waterworks ang Sewerage System (MWSS), tuloy ang pagtaas ng dalawa. Marami ang iiyak lalo na ang mahihirap na wala nang makain. Mas iiyak ang mga walang tubig sa kanilang gripo pero nagbabayad nang malaki sa kanilang monthly bills. Nagbabayad sila sa hangin na lumalabas sa kanilang gripo.

Ang MWSI at MWC ay pinaniniwalaang mag-iincrease ng singil sa tubig ng P4.21 hanggang P6 bawat cubic meter. Marami rin naman ang nagsasabi na magtataas ang dalawang conscessionaires nang hanggang P30 bawat cubic meter. Ang pagtataas ng singil ay may kaugnayan sa umano’y pagkalugi ng MWSI at MWC. Nakasaad na umano ang pagtataas sa inaprubahang extraordinary price adjustment (ERA). Ang paniningil ay isasaad naman sa special transitory mechanism (STM). Milyong dollar ang utang ng dalawang kompanya at ito ay isasaad sa STM. Ayon pa sa MWSI at MWC, nakalagay ito sa proposal nila sa MWSS.

Ang STM ay naihahalintulad sa PPA ng Meralco. Ang mga utang ay ikakarga sa balikat ng taumbayan. Walang ibang magpapasan kundi ang mahihirap na sakal na sakal na sa mga kahirapan. Hindi pa lubusang nakakakawala sa PPA ay eto na naman at STM naman ang magpapahirap.

Walang tigil sa pagtataas ang dalawang concessionaires at naging taliwas sa sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan noong 1997 na kapag na-pribado ang mga ito ay bababa ang singil. Nalinlang ang taumbayan sapagkat tumaas pa nang tumaas ang singil. Habang naniningil, walang tigil naman ang pagtagas ng tubig sa maraming lugar sa Metro Manila. Maraming sirang tubo na umaalagwa ang tubig. Maraming nasasayang habang marami rin naman ang walang tubig sa kanilang gripo at hangin ang lumalabas.

Ang pagtataas ng singil ang prayoridad ng MWSI at MWC at hindi ang magandang serbisyo sa taumbayan. Nakangingitngit ang ganitong kalagayan.

MANILA WATER CO

MARAMI

MARAMING

MAYNILAD WATER SERVICES INC

MERALCO

METRO MANILA

METROPOLITAN WATERWORKS

NAMAN

SEWERAGE SYSTEM

SINGIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with