^

PSN Opinyon

Editoryal - Kamatayan ni Dexter: Leksiyon sa PNP

-
ANG maagang kamatayan ni Dexter Balala, ang apat na taong gulang na hinostage ni Diomedes Talbo noong Biyernes ng madaling araw ay maging leksiyon sana sa buong puwersa ng Philippine National Police (PNP). Hindi na dapat pang maulit ang kapalpakang ipinakita ng Pasay City police na hindi marunong humawak sa krisis lalo na kung may hino-hostage. Masakit isipin na bago nakakilos ang 20 Pasay policemen ay natarakan na si Dexter ng umano’y bangag sa drogang si Talbo. Tumimo na sa katawan ni Dexter ang double blade bago naputukan si Talbo. Ang masakit pa, lumilitaw na ang tumapos sa buhay ni Dexter ay ang mga bala mula sa pulis Pasay.

Matinding leksiyon ito na hindi na dapat pang maulit sa hinaharap. Tama lamang ang biglaang pagsibak kay Pasay City Chief of Police Supt. Eduardo de la Cerna. Ang katulad niyang hindi marunong humawak sa sitwasyon ay hindi dapat pinatatagal sa puwesto. Kung magtatagal pa siya, baka maulit pa ang pangyayari at baka mas matindi pa. Dapat ding sibakin ang 20 pulis na rumatrat kay Talbo at idinamay pa ang murang katawan ni Dexter.

Isang malinaw na katotohanang hindi marunong humawak sa sitwasyon si De la Cerna ay nang makita sa mga kuha ng television camera ang napakaraming tao na nakapaligid sa nagaganap na hostage taking. Sa aming pananaw, masyadong nalito ang bangag na si Talbo at hindi na malaman ang gagawin. Nasilaw sa ilaw ng kamera. Dapat napigil ng mga pulis ang bugso ng tao at hindi nakalapit sa nangho-hostage. Nakita rin naman na parang balewala sa mga nagrespondeng pulis Pasay ang nangyayaring hostage at ang iba ay nakitang naninigarilyo at ang iba ay nagtatawanan pa. Para bang hindi sila seryoso sa nangyayaring sitwasyon na ang nakataya ay ang buhay ng inosenteng bata.

Hindi na maibabalik ang buhay ni Dexter. Kahit na sinibak si De la Cerna at ipatapon pa ang 20 pulis sa Basilan, nangyari na ang trahedya. Ang pinakamabuting magagawa ngayon ng PNP ay sanayin ang mga pulis sa paghawak ng mahihigpit na sitwasyon lalo na kung may krisis. Maraming dapat baguhin sa PNP at dapat na itong simulan. Dapat silang sanayin sa krisis at hindi sa pagiging mahusay sa pangongotong at pagmamalabis sa kapwa. Sayang ang buhay, ito ang dapat malaman ng PNP.

CERNA

DAPAT

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALBO

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY CHIEF OF POLICE SUPT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TALBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with