^

PSN Opinyon

Editoryal - Mga pulis na tanga

-
KULANG sa kaalaman sa paghawak sa crisis o sa sitwasyong may hino-hostage. Iyan ang ating mga pulis. Bukod sa walang kaalaman, madali rin silang mataranta. Sila pa naman ang inaasahan ng taumbayan na magpo-protekta at magsisilbi sa mamamayan. Dahil sa kakulangan ng kaalaman at kakayahan, tiyak na maraming buhay ang masasayang. Ito na siguro ang tamang panahon na para kumilos ang namumuno sa Philippine National Police (PNP) upang ma-train ang mga pulis na tutulug-tulog at madaling mataranta. Sa uupong bagong PNP chief na si Deputy Dir. Hermogenes Ebdane Jr., masusubok ang galing mo sa pagkakataong ito at nang hindi napipintasan ang iyong organisasyon.

Kung may sapat na kaalaman ang mga pulis at hindi nataranta makaraang i-hostage ng isang bangag sa droga si Dexter Balala, 4, noong Biyernes ng madaling araw maaaring buhay pa siya. Hindi marahil naghihinagpis ang mga magulang ng bata dahil sa maaga nitong pagkawala. Labintatlong saksak ang itinarak ng bangag na si Dominador de la Cruz kay Dexter bago nakakilos ang mga tutulog-tulog na pulis Pasay. Bukod sa mga saksak, tinamaan din ng bala si Dexter na naging dahilan nang biglaan nitong kamatayan. Hindi na ito nakaabot ng buhay sa ospital. Hindi makapaniwala ang magulang ng bata na wala na ang kanilang anak.

Hindi nakakilos at pawang nakaabang ang mga pulis Pasay at miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) habang lantad na lantad ang katawan at ulo ng bangag na si De la Cruz. Wala silang kaaalam-alam kung ano ang gagawin sa sitwasyong iyon at pinanood lamang sa loob ng dalawang oras na walang ginagawang paraan para ma-neutralize ang hostage taker. Kulang na kulang sa kaalaman ang mga pulis Pasay. At kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga pulis dito at sa ibang departamento, maraming sibilyan ang mamamatay nang walang kalaban-laban. Ang ipinakita ng mga pulis at SWAT sa hostage drama ay malaking batik sa PNP. Sinibak din kaagad ang Pasay City police chief na si Supt. Eduardo de la Cerna. Iyon ang premyo sa kanyang pagtulug-tulog. Ang pagsibak ay ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Edgar Aglipay. Imbestigahan din naman ang mga nagpaputok ng pulis at SWAT na naging sanhi rin ng kamatayan ni Dexter.

Mismong sa bibig ni Aglipay nanggaling na kulang sa kakayahan ang mga pulis kung kaya kailangang isailalim sila sa seminar. Hindi na aniya dapat pang maulit ang madugong hostage drama. Nararapat lamang ito lalo pa nga ngayong nagkalat ang mga bangag at masasamang loob.

BUKOD

CRUZ

DEPUTY DIR

DEXTER BALALA

DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

HERMOGENES EBDANE JR.

PASAY

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with