^

PSN Opinyon

'Tiger' o 'carnapping' city ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PILIT na iniangat bilang ‘‘Tiger City’’ ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang kanyang siyudad subalit hinahatak naman ito pababa ng lumalalang kaso ng carnapping nitong nagdaang mga araw. At kapag hindi pa magising kaagad sa kanyang pag-idlip itong si Mayor Abalos, baka ang pangarap niyang ‘‘Tiger City’’ ay magiging humihikab na bulate na lamang at mabaon lalo sa utang itong kanyang siyudad. Alam naman ng taga-Mandaluyong na hindi makaahon-ahon itong kanilang siyudad di tulad ng kanilang kapitbahay na Pasig City na bilyun-bilyon ang pondo sa bangko.

Nagtataka rin nga sila kung bakit mas inuuna pa ni Mayor Abalos ang PR campaign niya keysa atupagin ang problema ukol sa mga mahihirap sa siyudad, ayon sa mga nakausap kong mga pulitiko. Sa totoo lang, kaya malakas ang loob ni Mayor Abalos na gamitin ang ‘‘Tiger City’’ para isulong ang programa niya sa Mandaluyong City ay dahil na rin kay Presidente Gloria Arroyo. Minsan kasing dumalaw itong si GMA sa Mandaluyong, sinabi niya na gusto niyang gawing ‘‘Tiger City’’ itong siyudad kaya’t hayan sinakyan na kaagad ni Abalos. Kahit nangongopya lang itong si Mayor Abalos, ipinapanalangin natin ang kanyang tagumpay, di ba mga suki?

Subalit habang abot-langit ang PR campaign ni Mayor Abalos para makamit ang kanyang hangarin, araw-araw namang laman ng diyaryo ang lumalalang kaso ng carnapping sa kanyang siyudad. At ang masama niyan, mukhang hindi man lamang kumikilos ang pulisya para malutas ang problema ng nakawan ng sasakyan diyan, lalo na sa commercial centers sa Ortigas at EDSA Ave’s. Sa record kasi ng pulisya, umaabot sa 13 sasakyan na ang nanakaw sa Mandaluyong City mula pa noong Abril 17. Ang pinakahuling biktima ay itong si Froilan Ting, 24, na dumalaw lang sa kanyang may sakit na asawa sa Medical City at pagbalik niya ay wala na ang kanyang Mitsubishi Adventure na nagkakahalaga ng P700,000.

Kung sa period naman na May 11 to 21, itong Eastern Police District (EPD) ay nagtala ng 16 sasakyan na ninakaw sa kanilang lugar. Pumangalawa na sila at inagaw ang dating puwesto ng Southern Police District sa talaan ng maraming sasakyang ninakaw kada araw. Ang nakapagtataka, hindi kumikilos ang pulisya para hadlangan ang balak ng mga carnapper na gagawing carnapping capital ng bansa itong EPD. Kasi nga anim na behikulo lang ang agwat nila ng Quezon City na nagrehistro ng 21 ninakaw na sasakyan sa naturang period.

Bakit ayaw kumilos ng pulisya ng Mandaluyong City laban sa kriminalidad? ’Yan ang mga katanungan na ang hepe ng pulisya lamang na si Sr. Supt. Sakurno Ikbala ang may kasagutan.

Ang isa pang tanong sa ngayon paano makaatungal ng malakas itong tigre ni Abalos kung mabilis namang kinakain ng mga bulate o kaso ng mga carnapping ang tinatayo niyang pundasyon?

ABALOS

CITY

EASTERN POLICE DISTRICT

FROILAN TING

ITONG

KANYANG

MANDALUYONG CITY

MAYOR ABALOS

TIGER CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with