^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Krisis sa Senado

Pilipino Star Ngayon

HINDI simpleng bangayan sa pagitan ng ma­yorya at minorya ang nagaganap ngayon sa Senado. Ang pagsabog ng pisikal na komos­yon, lantarang sabotahe sa burukrasya, at ang magkasabay na pag-iral ng dalawang nagtutung­galiang liderato ay opisyal na nagbunsod sa Senado sa malalim na krisis sa Konstitusyon. Ang institusyong dinesenyo upang maging san­digan ng marangal na debate ay nawalan ng kre­dibilidad at naging salat sa moral na awtoridad.

Ang ugat ng kaguluhan ay ang desperadong kapit-tuko sa kapangyarihan. Matapos ang reor­ganisasyon noong Hunyo 3, kung saan ginamit ng bagong mayorya (Solid Bloc 11 at Sen. Francis Escudero) ang Avelino v. Cuenco (1949) upang ideklarang bakante ang liderato dahil ang pag­kakulong ni Sen. Jinggoy Estrada at pagta­tago ni Sen. Bato dela Rosa ay nagbaba sa bilang ng quorum, tumanggi ang kampo ni Alan Peter Cayetano na bumaba. Ang resulta ay krisis ng dual leadership: si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Acting Senate President na kinikilala ng Ehekutibo, at si Cayetano na nag­ma­matigas na siya pa rin ang pinuno.

Ang hidwaan ay mabilis na naging pisikal. Upang gupitin ang boses ng pangkat ni Caye­tano na nagpilit magdaos ng pagdinig sa Blue Ribbon Committee ukol sa flood control corrup­t­ion, pinalayas ni Gatchalian ang lahat ng ka­wani ng Senado simula 10:00 ng umaga sa ilalim ng “security policy.” Ganting-diskarte naman­ ng kapangkat ni Cayetano na ipasok ang 18 ex-Marines na testigo bilang mga personal na “bisita” upang iwasan ang panghaharang.

Ang desperasyong ito ay humantong sa ka­hiya-hiyang tulakan sa tapat ng elevator nina Sen. Robinhood Padilla at DILG Sec. Jonvic Remulla. Habang si Sen. Pia Cayetano ay sumi­sigaw upang ipaglaban ang karapatang puma­sok, tuluyan nang nalumpo ang burukrasya. Pinatay ang opisyal na live stream ng Senado at si Alan Peter Cayetano mismo ang nagpanumpa sa mga testigo dahil walang secretariat na sumi­pot, matapos niyang bantaan ang mga emple­yado ng kasong kriminal.

Habang paralisado ang institusyon, ang taum­bayan ang pumapasan ng pinsala. Sunog ang milyun-milyong buwis kada araw para sa Sena­dong mas piniling magtalu-talo. Nakatengga ang mga batas para sa krisis sa langis, anti-hospital detention bill, promosyon ng limang heneral, at naturalization ng mga atleta.

Ang pag-hostage sa pagbabatas para sa pan­sariling agenda ay pagtraydor sa Article XI, Sec. 1 ng Konstitusyon. Ang mamamayan ay nagugutom at binabaha; hindi nito kailangan ang Senadong nagpapakasasa sa kapangyarihan.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with