^

PSN Opinyon

Social media ban para sa mga menor-de-edad patuloy na isinusulong

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Lumabas ang balita kamakailan na ipapatupad na ng Malaysia ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na wala pang 16 taong gulang na gumamit ng social media. Sa Timog Silangang Asya, una nang ipinatupad ang patakarang ito ng bansang Indonesia. Sa katunayan, marami nang ibang bansa sa buong mundo, katulad ng Australia, ang nagpapatupad ng ganitong polisiya.

Nababahala ang inyong lingkod sa pinsalang dulot ng labis na paggamit ng social media. Kaya naman inihain ng inyong lingkod ang Social Media Safety for Children Act (Senate Bill No. 2066), kung saan pagbabawalan na natin ang mga menor-de-edad na wala pang 16 taong gulang na magparehistro, gumamit, at magpanatili ng mga account sa kahit anong social media platform.

Hindi natin puwedeng hintaying lumala pa ang problema o makita ang ano pa mang pinsalang dulot ng social media bago tayo umaksyon.

Sa ilalim ng inihain nating panukalang batas, gagawin nating mandato sa mga social media platform providers na magpatupad ng sistema para tiyakin ang mga edad at pagkakakilanlan ng kanilang mga users. Magkakaroon din ng regular na mga audit upang ma-deactivate ang mga accounts ng mga users na wala sa wastong gulang. Iminumungkahi rin ang pagpapatupad ng mga reporting at response mechanisms para sa underage access, at iba pa.

Isinusulong din natin ang Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 627), kung saan ipagbabawal ang pag­gamit ng mga cellphones at iba pang electronic devices sa loob ng paaralan sa oras ng klase.

Kung babalikan natin ang 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na sumukat sa kakayahan ng ating mga mag-aaral na 15-taong gulang, lumabas na bawat isang oras na dagdag sa paggamit ng digital devices para sa paglilibang ay nauugnay sa pagbaba ng apat na puntos sa kanilang mga marka sa math.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with