^

PSN Opinyon

‘A king without a kingdom’

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Sa nangyayaring kaguluhan sa liderato ng Senado ay ini­hambing ni dating Senate President Franklin Drilon si Senate President Alan Peter Cayetano sa isang “king without a kingdom”.

Ito’y matapos na mabawasan ang miyembro ng dating­ mayorya matapos magtago si Sen. Bato dela Rosa dahil sa ICC warrant of arrest, naaresto ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong graft at plunder; at ang pagtawid bakod sa minorya ni Sen. Chiz Escudero kaya’t naging 12 na ang bilang ng grupo ni Sen. Tito Sotto.

Ang ginawang pagtawid ni Escudero sa minorya ay ikinagulat ng grupo ni Cayetano kaya’t nasabi lang nito na kanya lamang ito ipinagdarasal dahil sa kinakaharap nitong problema.

Ayon naman kay Chiz, ang kanyang pagtawid ay upang buuin ang korum na nagtapos sa tatlong araw na hindi pag­kakasundo sa Senado na nagpabagsak sa liderato ni Caye­tano. Nagresulta ito sa pagdeklara ng lahat ng posisyon na bakante at nahalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang acting Senate President/Pro Tempore.

Ang biglaang pagsama sa minorya ni Chiz ay nagdulot ng tinatawag na ‘power shift’ o muling pagbabago sa timbang ng kapangyarihan sa Senado at natuldukan ang hindi pag-usad ng lehislatura. Sabi ni Escudero, hindi siya pumanig sa alinmang grupo. kumilos lang siya ayon sa kaniyang tungkulin upang iligtas ang institusyon ng Senado na naparalisado dahil sa matinding bangayang pampulitika.

May ibang pumuri kay Chiz habang may bumatikos sa anila’y madalas na pag-iiba-iba ng alyansa sa pulitika.

Hindi naman kinikilala ni Cayetano ang naging­ pagpa­palit ng liderato sa Senado at iginiit na kina­kailangan pa rin ang 13 boto upang magkaroon ng lehitimong pagba­bago sa liderato. Aniya, 12 senador lamang ang nasa ple­naryo nang isagawa ang binansagan nitong “illegal coup” at handa umano siyang bumaba kung may 13 na sila batay sa Kons­titusyon.

Sa ngayon ang dating mayorya ay binubuo ni Caye­tano, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Pia Ca­yetano, Joel Villanueva, Rodante Mar­coleta, Imee Marcos, Robinhood Padilla, Bong Go, at magkapatid na Mark at Camille Villar.

Habang sa kabila ay sina Sens. Sotto, Gatchalian, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, Francis Pangilinan, mag­kapatid na Raffy at Erwin Tulfo, Risa Hontiveros, Lito Lapid, JV Ejer­cito, Bam Aquino, at Escudero.

Kaabang-abang ang mga magiging kaganapan sa su­sunod na araw sa loob ng Senado.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with