^

PSN Opinyon

Mapusok na paghihiganti

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng magkapitbahay na sina Tomas, 63, at Rogelio. Ni-rape umano ni Rogelio si Nenita, asawa ni Tomas. Idinemanda si Rogelio ng rape, naaresto at nakulong.

Hindi akalain ni Tomas na pagkaraan lang ng dalawang araw ay nakalabas na si Rogelio. Kaya isang umaga, tatlong araw lang pagkaraang ma-rape ang asawa, nakita ni Tomas si Rogelio habang patungo ng trabaho. Hinarap ni Tomas si Rogelio. Napatay ni Tomas si Rogelio. Inamin ni Tomas na siya ang pumatay kay Rogelio ngunit ito’y ginawa lang niya bilang self-defense.

Sa paglilitis hindi napatunayan ni Tomas na pagtatanggol sa sarili ang kanyang ginawa. May saksing nakakita na hinahabol niya at sinaksak si Rogelio ng dalawang beses sa dibdib. Kaya siya ay naakusahan ng homicide. Sa pagpataw ng parusa, sinabi ni Tomas na dapat daw ay tinuring ng Korte ang kanyang pagsilakbo ng damdamin at kalituhan (passion and obfuscation) upang higit na gumaan pa ang kanyang parusa. Ito raw ay mga pangyayaring nagpapagaan ng kasalanan (mitigating circumstance). Tama ba si Tomas?

Mali.
Upang ang pangyayaring ito’y mapahalagahan, kailangan ay (1) may gawaing mali at sapat na nagpapasilakbo ng damdamin at nagpataranta; (2) ang gawaing ito’y hindi katagalang nangyayari at (3) ang silakbo at kalituhan o katarantahan ay sanhi ng tamang damdamin at hindi ng paghihiganti.

Sa kaso ni Tomas, kahit sabihin pang nagsilakbo ang damdamin niya at siya’y nataranta dahil sa ginawa ni Rogelio sa kanyang asawa, ang kinilos naman niya ay hindi tama sapagkat ito’y pawang paghihiganti lang. Bukod dito, ang saksakan ay nangyari pagkaraan lang ng tatlong araw mula nang ma-rape ang kanyang asawa. Kaya ang gawain nakapagsimbuyo ng kanyang damdamin at nagpataranta sa kanya ay may kalayuan na sa ginawa niyang pananaksak. Sa katunayan nga pagkaraan lang ng 24 oras mula ng nagsilakbo ang damdamin at nataranta ay matagal na upang maituring na ang ginawa niya’y sanhi lang ng silakbo ng damdamin at kalituhan.

Kaya si Tomas ay dapat makulong mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon at isang araw (People of the Philippines vs. Caber Ser. G.R. No. 129252 November 28, 2000).
* * *
Mag-e-mail kay Atty. Sison sa [email protected].

BUKOD

CABER SER

DAMDAMIN

HINARAP

KAYA

LANG

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

ROGELIO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with