^

PSN Opinyon

Pinaka-mahalagang leksiyon sa buhay (2)

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG lakas ng ulan mga 11:30 isang gabi, at tinitiis ito ng matandang babae, isang African American, na nakatayo sa gilid ng highway sa Alabama. Tumirik ang kotse niya, at desperado siyang makakuha ng sasakyan. Miski basang-basa siya at sa peligrong oras ng gabi, pinasya niyang parahin ang unang dumaang kotse.

Huminto ang isang nakababatang lalaki, isang White, para dumulog. Pambihirang pangyayari ‘yon sa mga panahong iyon, 1960s, ng racial discrimination sa Blacks – lalo na sa Alabama kung saan nananakit ang Ku Klux Klan ng Blacks, at gumaganti naman ang Blacks sa mga Puti.

Sinakay ng lalaking White and matandang Black. Hinatid niya muna sa gas station para maipahila ang tumirik na kotse. Tapos, tinulungan niyang makakuha ng taxi para takbuhin ang appointment.

Nagmamadali talaga ang matandang babae. Halos hindi na nakapag-pasalamat. Pero naitanong at naisulat niya ang pangalan at tirahan ng sumaklolong lalaki.

Lumipas ang isang linggo nang may kumatok sa apartment ng lalaki. Laking gulat niya nang may nag-deliver sa kanya ng isang giant console TV. Matagal na niyang inaasam-asam na magka-TV, pero ito colored pa.

May nakadikit na maikling liham sa kahon ng TV set: "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin sa highway nu’ng makalawa ng gabi. Di lang ako naligo sa bagyo, tila nilunod pa ang sigla ko noon. Tapos, dumating ka. Dahil sa iyo, nakarating ako sa tabi ng asawa kong naghihingalo na sa karamdaman sa ospital. Kahit papano’y nakapiling ko siya sa mga huli niyang sandali. Pagpalain ka ng Diyos."

Lalong nagulat ang lalaki sa pirma: "Sincerely, Mrs. Nat King Cole."

Totoong nangyari ito. Sikat na negosyante na ngayon ang lalaki.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8-10 n.u., DWIZ 882-AM.

ABANGAN

AFRICAN AMERICAN

DAHIL

DIYOS

HINATID

JARIUS BONDOC

KU KLUX KLAN

MRS. NAT KING COLE

TAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with